Irene Kahit nanginginig ang aking mga mata habang tinitingnan si Third na ngayon ay tila ilang pulgada lang ang pagitan sa akin. Mariin kong kinuyom ang aking kamay at tinibayan ang aking sarili. "Sorry, Sir. I think we should start the meeting," pormal kong saad. Tila bumalik naman sa sarili si third at agad ding inayos ang sarili. Marahan niyang inalis ang mga braso na nakahawak sa pader at inilagay sa bulsa. "I'm sorry, matagal kasi tayong hindi nagkita." Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi, animoy hindi ko maintindihan kung ano ang nais niyang ipabatid sa akin. "Sir, parang kailan lang nang bumisita ka sa opisina?" impit ko pang tawang saad sa kanya. "Nope, that's not what I mean. I think it's been five years –" "SIR, I don't know what you're talking about. Nandito po