Irene Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay dumating na rin si Albie sa loob ng opisina. Halata ang pagmamadali sa kanyang mukha dahil na rin sa hindi maayos na pagkakalagay niya sa kanyang kurbata. Hindi ko siya masisisi, maging ako ay aligaga sa mga bagay na nangyayari. Hindi ko akalain ang pagdating ng lalaking ito at hindi ko mapigil ang mabilis na kaba na aking nararamdaman. "Sir Albie, kanina pa po naghihintay si Sir Montenegro," paalala ko kay Albie. "Ganoon ba?" tugon ni Albie, saka tumingin sa ngayo'y nakaupong si Third. "Sorry I'm late. Please follow me in the conference room," pag-aya ni Albie sa kanya. Sa paglabas ni Albie, agad namang tumayo si Third at sumunod sa kanya. Mabuti na lang at naayos ko na ang conference room bago pa magsimula ang kanilang meeting. Tuma