Final Chapter

1060 Words

Irene MALAMIG na hangin ang humalik sa aking pisngi sa pagbukas ng malaking pinto na nasa aking harapan. Bumungad sa aking paningin ang pulang carpet na magsisilbing lakaran ng aking paa patungo sa lalaking naghihintay sa akin sa tapat ng altar. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman. Tila halohalong emosyon ang bumalot sa aking puso na nagbigay ng lungkot at saya. Sabi nga nila, sa hinaba-haba raw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi habang nililibot ang mata sa paligid. Naririnig ko ang mahinahong hampas ng alon mula sa dagat na siyang nagpapakalma at naghahatid ng maaliwalas na simoy ng hangin. Ang pino at puting buhangin sa isla ay nakadaragdag ng ganda sa paligid. Ito ang pinakamasayang araw sa aking buhay at hinding-h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD