Irene UMAGA na nang imulat ko ang aking mga mata. Marahang napangiti ang aking labi nang makita ko ang mukha ni Third sa tabi ko habang mahimbing na natutulog. Unang araw ng aming honeymoon ngayon, nagtungo kami sa Paris upang dito ay makasama namin ang isa't isa. Siguro, sa tanang buhay ko, ngayon lang kami magkakaroon ni Third ng isang tahimik na pagsasama. Iyong matapos ang maraming pagsubok, sa wakas ay makatutulog na kami nang nakangiti. Maingat akong bumangon sa higaan dahil ayokong magising si Third. Nais ko siyang sorpresahin at ipagluto ng umagahan, tulad ng isang normal na may bahay. Nagsimula akong bumaba sa mahabang hagdanan ng bahay na aming ni rentahan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa malaking bahay na ito at lalo nang hindi ako sanay sa katahimikan na walan

