Irene MATAPOS kong kunin ang dapat kong kuhain sa kotse, nagmadali na akong sumunod kay Jenny at umakyat sa unit namin ni Third. Sa aking pagdating, madilim at nakapatay ang ilaw nang pumasok ako sa silid namin ni Third. Nagsimula akong maglakad patungo sa switch at pinindot ito. Kumunot ang aking noo nang makita si Third at Jenny. Nakaupo si Jenny sa sofa habang si Third naman ay nakahalukipkip at nakatingin sa kanya. "Bakit? Anong nangyayari?" tanong ko sa dalawa. Noon ko lang nakuha ang atensyon ni Third na ngayon ay lumingon sa aking kinaroroonan. "Irene, listen to me. This girl–" "A-Ate, sorry po. Hindi ko sinasadyang pumasok sa silid nyo ni kuya Third," biglang wika ni Jenny habang tumatakbo palapit sa aking kinaroroonan. Agad siyang yumakap sa aking braso at animoy nagmamaka

