Third MARAHAN kong tinanggal ang salamin na nasa aking mata, saka pinatong ito sa tabi ng aking laptop. Hinagod ko ang aking sentido saka sinandal ang likod sa backrest ng swivel chair dito sa loob ng aking opisina. Maaga pa at siguro alas singko pa lang. Ano na kayang ginagawa ngayon ni Irene? Hindi ko rin alam kung bakit tinutulungan ni Irene ang dalawang iyon na magkabalikan. Nabo-bored ba siya? Nawawalan na ba siya ng gana sa 'kin dahil hanggang dito, trabaho pa rin ang ginagawa ko? Isang buntonghininga ang aking ginawa dahil sa mga bagay na aking iniisip. Kung ano man ang nais mangyari ni Irene, susuportahan ko siya. After all, marami na kaming pinagdaanan at pinagtibay na ng panahon. Sigurado akong wala nang sino man ang titibag sa amin. Maya-maya lang, napalingon ako sa pinto n

