Irene Nanlaki ang mga mata ni Third nang marinig ang bagay na sinabi ni Albie. Nakita ko ang mariin niyang pagkuyom ng kamay at nahahalata ang galit sa kanyang mukha. "Pasensya na kung hindi ko nasabi agad. But yeah, she's fy fiancée." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Albie sa aking balikat, tila nagsasabing sumang-ayon na lang ako sa kanyang sinasabi. Hindi ako nagsalita. Niyuko ko lang ang aking ulo at hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata ni Third. Alam kong nakatingin siya sa akin. Mga tingin na animoy nagsasabing magsalita ako at itanggi ang sinabi ni Albie. Ngunit kung ito ang paraan upang tigilan at layuan na ako ni Third, handa akong magpanggap na fiancée ni Albie. Tama, isa akong impostora at simula umpisa hanggang kasalukuyan, wala akong ginawa kung hindi ang