Irene "I'm sorry. Hindi ko kaya, hindi ko kayang panindigan ang bagay na ito, Albie. S-Sorry," sunod-sunod kong wika. Marahang bumagsak ang hawak kong bulaklak at tuluyang bumigay ang aking mga mata at lumuha nang marami. Hinakbang ko pabalik ang aking paa, saka tumalikod kay Albie. Nais kong takasan ang lahat. Nais kong tumakbo palayo at bumalik sa bisig ng totoong taong mahal ko, ngunit sa aking pagtalikod. Nanlaki ang aking mga mata nang marahas na hawakan at hilahin ni Albie ang aking braso, dahilan upang mapaharap ako sa kanya at makita ang umaapoy sa galit niyang mga mata. "Akala mo ba ay ganoon lang kadali 'yon, Irene? Pagkatapos ng lahat ng ito ay tatakbuhan mo lang ako?" galit na galit na wika ni Albie. Lahat ay napasinghap nang ilagay ni Albie ang kanyang kamay sa bulsa at il