Irene Ramdam ng aking puso ang sakit sa nalaman ko. Ayokong husgahan si Albie ngunit ano pa ba ang ipaliliwanag niya sa mga bagay na aking nakita? Paano niya ipaliliwanag ang aking narinig? Kasabwat? may sabwatan silang dalawa ni Clara? Sa tingin ko, sa pagkakataong ito, kahit anong paliwanag ang ibigay sa akin ni Albie ay hindi ko na paniniwalaan pa, na kahit anong dahilan ang sabihin niya ay hindi ko na magagawa pang pakinggan. Tama nga naman, too good to be true ang pagdating sa aking buhay ni Albie. Walang ibang tao ang magmamalasakit sa amin nang ganito kung wala siyang plano, kung wala siyang binabalak sa akin at kung walang nag-utos sa kanya. Kaya pala, si Clara pala ang nasa likod ng kanyang kabaitan. Sino nga ba ang siraulong mayaman na tutulong sa isang babaeng hindi mo na

