Irene Pilit akong tumayo kahit kasalukuyan pa ring nanginginig ang aking tuhod. Hindi ko inalis ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa aking harapan dahil natatakot ako na kapag inalis ko ang aking tingin, baka muli na naman siyang mawala sa akin. Tama na ang matagal na paghihintay at matagal na pagpapaniwala sa sarili na wala siyang ginawa. Tama na ang pagiging bulag ko sa katotohanan. Handa na akong imulat muli ang aking mga mata upang makita ang kabutihan ng lalaking nasa harapan. Isa, dalawa, at tatlong hakbang ang aking ginawa. Mabagal hanggang sa tuluyan na akong tumakbo patungo sa kanyang kinaroroonan at mahigpit na niyakap ang kanyang katawan. Nanlalaki ang mga mata ni Third at ramdam ko ang gulat sa kanya dahil sa aking ginawa, ngunit wala na akong pakialam. Ayoko nang magp

