Chapter 36

1294 Words

Irene Labis na kasiyahan ang nararamdaman ng aking puso dahil sa mga bagay na nangyari ngayon. Nakahihiya man sa pamilya Montenegro, alam kong nandiyan si Third at handa akong ipaglaban tulad ng paglaban na ginawa ko para sa kanya. Kahit ano pang sabihin sa amin ng media ngayong inanunsyo na niya ang lahat ng tungkol sa amin, tatanggapin ko ang pambabatikos na aking matatanggap, dahil ang mahalaga ay ang pagmamahalan namin sa isa't isa at ang pagbuo ng aming pamilya. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi, saka ako lihim na lumingon sa lalaking katabi ko ngayon sa loob ng kotse. Seryosong nakatingin si Third sa kalsada habang nagmamaneho. Ang aking anak na si Ethan naman at si nanay ay nasa likod ng kotse, nangako kasi si Third kay Ethan na pupunta kami sa amusement park. Na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD