Irene Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganitong kaba sa aking dibdib. Ang huling takot na aking naramdaman ay iyong pinalayas ako ni Third sa mansion. At ngayon, muntik pa akong pagsamantalahan ng isang lalaki, mabuti na lang at dumating agad si Albie, kung hindi, hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Ano ba ang nagawa kong mali? Kabastos-bastos ba ang aking pananamit at ginaganito nila ako? Hindi ako madalas magsuot ng maiksi at kung maaari, ayokong may makitang balat sa ibabang bahagi ng aking katawan. Sa tingin ko walang mali sa akin, siguro ay marumi lang talaga ang isip ng lalaking iyon. Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Albie sa aking kamay. "Are you okay? Sorry, dapat hindi kita iniwan," pag-aalala sa akin ni Albie. "Ma