CHAPTER 4

1197 Words
BITBIT ni Zyler ang gitara niya patungo sa room nila. Saktong paghakbang niya ay nakita niya si Aysha, pinagbabato ito ng mga kaklase nila. Ayaw na ayaw niya sa lahat iyong makakita ng mga ganoong eksena. Kaya agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang adviser nila para ipaalam ang nangyare. Wala naman pwedeng tumanggi sa isang Devejo. Bumalik nalang siya sa music room at tinuloy ang ginagawa. Kapag nawalan siya ng ganang pumasok ay hindi na talaga siya papasok buong araw. Ganoon din ang mga kaibigan niya. Kung nasaan siyan ay nandoon din ang mga ito. "Malapit na pala ang Sportfest natin, paniguradong magpe-perform na naman tayo niyan." narinig niyang sabi ni Dandrieb pagpasok ng mga ito sa music room. "Oh Zyler, nandiyan kana pala. Akala namin nasa room ka kaso walang tao doon pag-akyat namin. Nakapagtataka lang." ani Xaun, inilagay ang daliri sa ibaba ng baba niya umaktong nag-iisip. "Nasa Principal's office sila." sagot niya, at saka nagsimulang mag-strum ng gitara. "Principal's office? Ano naman gagawin nila d'on?" tanong ni Dandrieb nang umupo ito sa tapat niya. Hindi na niya ito sinagot, nagpatuloy lang siya sa pagtugtog. Kaya ang tatlong kasama ay kaniya-kaniyang nag-usap kung bakit nasa principal's office ang mga kaklase nila. Hindi naman nila ugaling pumunta d'on para lang magtanong. Nang buksan nila ang school forum. Bumungad sa kanila ang samu't-saring mga letrato ni Aysha kung saan pinagbabato ito ng mga ka-klase nila. Napangiwi sila sa nakita."Faul naman 'to masyado, parang mas worst pa ito kaysa sa mga sinungitan mo Zyler." komento ni Xaun matapos niyang tingnan isa-isa ang mga letrato. "Mismo," dagdag pa ni Zedd. "Ow! kaya sila nasa principal's office dahil dito ginawa nila kay Miss Sungit?" tanong ni Liam sa mga kasama.  Nagkibit-balikat ang mga ito, habang si Zy abala sa pakikinig ng music habang nag-gigitara. Hindi na rin muling nagtanong ang ibang myembro ng Level five. Knowing Zyler, kung may gusto kang malaman na alam niya. Huwag mo itanong iyon ng paulit-ulit sa kaniya kung wala kang nakuhang sagot. Ibig-sabihin alamin mo mag-isa kung gusto mo malaman ang sagot. Dahil hindi niya ugaling mag-kwento kung ano man ang alam niya. Maliban nalang kung gusto niya talaga sabihin sa'yo. Kinabukasan, masyadong tahimik ang klase. Pito lang sila sa classroom. Dahil na-suspended ang mga kaklase nila noong isang araw. Maliban sa dalawang babae na kasama nila. Pabor sa kanila iyon dahil ayaw talaga nila ang maiingay, lalo na tuwing papasok sila halos mabingi sa sila sa kaingayan ng mga kaklase nila o kung sino man ang makasalubong nila "Hi there, Miss. Sungit." sinubukang makipag-kilala ni Liam kay Aysha. "Who you?" "Ouch! Hindi pala ako kilala ni Miss. Sungit, sayang naman kagwapohan ko." nagkunwari itong humawak sa dibdib na nasasaktan kuno sa sinabi ni Aysha sa kaniya. "So? Pake ko? You know what? Stop wasting my time and stop wasting your laway to tell me those words na hindi naman ako interesado." nagulat sila sa inasal ni Aysha. Basta nalang sila tinalikuran nito. "Loko ka talaga Liam." natatawang aniya ni Dandrieb "Ngayon lang ako naka-encounter ng ganoong babae dito sa campus. Alam niyo iyon. Inaapi na siya pero ang tapang pa rin. Akalain mo napatahimik niya ang buong klase. Siya lang ang nakilala kong nagpa-suspended ng buong klase, well except kay Zyler." biglang sumabat si Zedd na kanina ay tahimik lang sa isang tabi. "She's interesting.." dagdag pa ni Liam Hindi maikakailang matinik ito sa babae,  sa dami pa naman ng pinaiyak nitong babae sa school ay hindi na kataka-takang magkaroon siya ng interest kay Aysha. "Dude, huwag mo sabihing idadagdag mo sa listahan ng mga pinaiyak mo ang babaeng iyon? Naku! Goodluck sayo kasi  mukhang mahihirapan ka ngayon pa lang."  tinapik pa ni Xaun ang balikat ni Liam. Marahan nitong sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. "Dude, wala pang tumatanggi sa isang Liam Zelguis Seddio." "Well, goodluck dude." ani Xaun Nagpaalam na sila sa isa't-isa at nagkaniya-kaniyang sumakay sa kotse nila. Habang pauwi hindi maiwasan isipin ni Zyler ang kakaibang ugali na nakita niya kay Aysha. Ibang-iba ito sa mga babaeng nakakasalamuha niya. Totoo ang sinabi ng kaibigan niya. Interesting ito, pero ayaw niya masyadong bigyan ito ng pansin sa ngayon. Dahil wala naman siyang balak makipag-kilala kahit sinong babae. Buhay na buhay pa rin sa puso niya si Yna, at kahit anong pilit niyang kalimutan ito hindi niya magawa. Kahit pa ilan taon na itong wala. Si Yna pa rin ang mahal niya. Si Yna pa rin ang nag-iisang babae na mamahalin niya. Hangga't nararamdaman pa niya na mahal niya ito ay walang dahilan para palitan si Yna sa puso niya. Araw-araw niyang hinihiling na sana ay buhay pa ito. Na sana ay kasama niya pa ito. Na sana sabay sana silang tumutupad sa mga pangarap na sabay nilang binuo. Iyon nga lang ay masyadong madaya ang tadhana para sa kanilang dalawa. Three years ago, dinala si Yna sa America para operahan sa puso. Pero makalipas ang apat na buwan isang masamang balita ang natanggap nila. Hindi nito nakaya, at tuluyan ng nagpaalam si Yna. Dahil hindi niya matanggap ang nangyare. Pinili niyang magluksa mag-isa sa loob ng mahigit dalawang taon. Kahit hanggang ngayon ay dala niya sa puso niya ang sakit. Sinisisi niya ang sarili dahil wala siya sa tabi ni Yna noong lumalaban ito sa sakit niya. Sinisisi niya ang sarili niyang hindi niya man lang nasilayan sa huling pagkakataon ang babaeng mahal niya. Para sa kaniya wala ng mas hihigit pa kay Yna sa puso niya. Wala na siyang makikitang mas hihigit pa sa pinakita at pinaramdam na pagmamahal ni Yna sa kaniya. Hindi na niya nagawang maging masaya tulad noon.  Nawala na ang dati niyang sigla. Na kahit may mga kaibigan niyang dumamay sa kaniya ay hindi pa rin iyon sapat para punan ang lungkot na nararamdaman ng puso niya. Tanging pag-alala nalang sa nakaraan ang nagagawa niya. Lagi niyang binabalikan ang mga lugar kung saan sila madalas ni Yna. Lahat ng mga paborito ni Yna ay iyon din ang pinaluto niya. Gusto niya maramdaman na parang kasama pa rin niya ito kahit ang totoo ay wala na. Hindi na niya maibabalik pa ang buhay na nawala na. "Nandiyan kana pala? Kumain kana ba?"  tanong ng Ate Astrea niya. Lumapit lang siya dito saka humalik sa pisngi. "Mamaya na ako kakain, busog pa ako. Akyat muna ako." Sila lang dalawa ng ate niya, once a month lang kung umuwi ang mga magulang niya kaya nasanay na siyang ang ate niya ang tumatayong nanay sa kaniya. Nasanay na rin siya na sila lang dalawa. Lumaki silang malayo ang magulang dahil sa trabaho nito at pag-aasikaso sa negosyo. Kahit noong panahon na nagluluksa siya ay isang beses lang siya kinamusta ng mga magulang. Minsan iniisip niya, bakit pa siya nagkaroon ng magulang kung hindi rin naman nila maramdaman na may magulang sila. Mabuti pa ng si Zeidan ay madalas niyang nakakasama ang mga magulang dahil sa ibang bansa madalas ang mga magulang kung saan nandoon din ang kapatid niyang si Zeidan kasama ang grandparents nila. Hindi naman sa ayaw niya doon, ayaw lang niya ng pressure. Lahat ng galaw at kilos nila ay bantay sarado ng grandparents nila. Kaya mas mabuti na rin para sa kaniya ang manatili sa bansa kahit pa minsan ay kailangan din niya ng atensyon ng mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD