Jas' POV
Tawang-tawa ako sa kapatid ko. Sana nga makahanap ka na ng katapat mo Aze para magtino kana. Di ko alam kong ano ang balak nila Mom pag-uwi nila pero ngayon palang nababahala na ako sa posibleng mangyari. May binanggit Chairman samin dati na balang araw ay isa sa amin magkakapatid ang ipapakasal niya sa mga anak ng kasosyo sa negosyo. Si Chairman ang lolo namin sa tuhod siya ang daddy ni Papu. Lahat kami takot sa kanya.
Sana ay mali ako sa hinala ko na dumating na ang panahon na kinatatakotan ko. Hindi lang para sa sarili ko kundi para sa mga kapatid ko. Kami ni Zach ang tangging tumatayong magulang ng mga kapatid ko kapag wala dito sila Mom. At obligasyon namin lalo na ako na bantayan ang mga kapatid. Kahit may pagka. Pasaway din ako hindi ko naman nakakalimutan na ako pa rin ang ate nila. Kahit pasaway si Aze at Yesha nakukuha din naman nilang sumunod dahil kong hindi pare-pereho kaming ipapatapon sa Korea kapag nakarating kay Chairman ang anomang kalokohan namin.
Ang inaalala ko ay si Aze. Subra sa pagkapasaway ang isang yun. Hangga't kaya namin siyang pagtakpan ay ginagawa namin para walang makarating kay Chairman kasi madadamay kami pareho. Hindi ko kinukunsinti ang kamalian ng mga kapatid ko pero hangga't kaya ko gagawa ako ng paraan. Alam kong magbabago rin si Aze sana nga matuto na siyang ayusin ang ugali niyang pagkapasaway. Sumusubra na kasi minsan at mali na sa paningin ng iba ang mga ginagawa niya. Okay lang sa amin kasi nakasanayan na at alam na namin ang ugali ng isa't-isa.
Napabuntong hininga akong isipin na hindi ko napatino ang kapatid ko. Hindi ko rin magawang suwayin siya baka mapasama pa lalo.
"Jas.."Napalingon ako ng tinawag ako ni Zach
"Wae?.." Tanong ko
Translation:* Why?
"May idea ka ba sa papalapit na pag-uwi nila Mom..?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Alam kong may alam siya at sa tono ng pananalita niya gusto niyang malaman kong alam ko ba ang tungkol dun.
"Hindi ako sigurado. Pero ayoko muna isipin.." sagot ko sa kanya at narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Bakit mo biglang natanong may alam ka ba?.."
"Wala akong alam. Hindi rin ako sigurado.. Alam mo naman na kapag may nakarating sa Chairman na may kalokohan tayong ginawa o sa mga kapatid natin at hindi natin napagsabihan ay damay-damay tayo.."
"Alam ko.. wag mo muna isipin yun."
Isang buntong hininga ulit ang pinakawalan niya. " Aakyat na ako. Huwag mo nalang din isipin ang tanong ko." Tumango lang ako at saka siya tumalikod at umakyat na.
Sana ay mali ang hinala natin Zach. Alam kong pareho tayo ng iniisip kahit hindi mo sabihin.
K i n a b u k a s a n *
Xiel's POV
Wala ako sa mood bumangon pero kailangan. Bawat araw na lumilipas mas lalo akong nangungulila sa kanya. Nasanay akong may text galing sa kanya. Tumatawag kapag alam niyang malalate ako. Kaya siya ang gumigising sa'kin.
Hanggang ngayon hirap na hirap akong kalimutan siya. Kulang ako kasi wala siya. Walang kulay ang mundo ko simula ng mawala siya.
Ikaw pa rin ang mahal ko. Walang makakapantay no'n. Pero alam kong gusto mo rin akong maging masaya. Pero hindi pa ako handang palitan ka sa puso ko.
Naiiyak akong isipin ang mga panahon na kasama ko siya at kapwa kami masaya na parang kami lang ang tao sa mundo. Pero hindi ako handa noong mawala siya sa'kin.
Dali-dali kong tinapos ang pagligo at pag-aayos. Hindi na ako nag-agahan sa school na ako magbebreakfast.
Maya maya ay nakarating na ako sa School. Nagdericho ako sa Rooftop may isang room na tangging kami lang ang pwede ng mga kagrupo ko. Isa kami sa mga Bands/Band group ng School at kasali din kami sa basketball team. Kilala kami sa tawag na Level Five. Lima kami kaya nga level Five. Kasama ko sa grupo ang mga kaibigan ko na sina Jero , Xymon , James , Shin.
Kaibigan ko sila simula pagkabata kilala nila ako. Kaya alam kong malaki ang pinagbago ko sa pakikitungo ko sa kanila simula ng mawala siya. Pero alam kong naiintindihan nila ang pinagdaanan ko. Saksi sila sa lahat at kung ano kami dati.
Hindi naging madali sa'kin ang tanggapin pero pinilit kong ayusin ang sarili ko. Alam kong ayaw din niya na masira buhay ko.
Naglalakad ako paakyat sa rooftop ng mahagip ng paningin ko ang isang babae na papunta sa rooftop sa bandang gilid ng room namin. Hindi ko inaasahan na pupuntahan niya ito wala pang nagtangang pumunta sa lugar na ito maliban sa kanya.
Hindi ko alam kong ano ang nagtulak sa'kin na sundan siya. Kusa akong dinala ng mga paa ko sa kinaroroonan niya. Nagtago ako sa likod ng pinto at tinitingnan kung ano ang ginagawa niya. Nakatayo siya kaharap ang araw nilalanghap ang hangin.
Anong trip ng isang ito. Parang may binubulong pa sa hangin.
Nang akma na siyang lalabas ay dali-dali akong nagtago. Napansin kong malungkot siya at batid kong para siyang umiiyak. At sa hindi ko malamang dahilan naramdam din ako ng lungkot habang naglalakad siya paalis sa lugar na'to.
Bakit ganun ang naramdaman ko. !aish
Hindi ko nalang pinansin kung ano man ang naramdaman ko kanina. Parang wala lang siguro yun naawa lang siguro ako sa lungkot ng itsura niya. Pero hindi ko masyado nakita ang mukha niya kasi nakayuko siya. Gayun paman bakas sa kanya ang lungkot.
Pumasok na ako sa room. Wala pa yung iba kong mga kaibigan.
"Oh! Ang aga mo yata?.." bungad sa'kin ni Xymon
"Tch"
"Nga pala Klient kailangan natin ng dobleng practice sa pagkanta malapit na ang Anniversary ng School sa susunod na buwan na yun. At sabi ni Dean may number tayo sa araw na yun. Maraming bisita nag dadalo sa araw na yun. Hindi lang ang mga board pati stockholders ay dadalo rin."..
Stockholders? Next month. Ito kaya yung sinasabi ni Noona na dahilan kung bakit uuwi sila Mom.
"Geh practice tayo mamaya pagkatapos ng klase. Una na ako lilipat tayo ng section diba? Bilisan mo dyan sumunod kana agad tawagan mo yung iba para sabay tayong papasok.."Sabi ko saka ako lumabas.
Lilipat kami ng section kasi gusto namin. At wala silang magagawa kasi isa kami sa may-ari ng school na'to. Kasosyo ng lolo ko sa tuhod Chairman ang tawag namin sa kanya. Isa kami sa may malaking share sa school na'to pati mga kaibigan ko. Kaya kilala kami dito.
Hindi ako nagmamayabang honest lang.
Pumunta ako Dean's Office para itanong saan ang room namin. Matapos niyang sabihin ay saktong nakita ko ang mga kaibigan ko kaya sabay-sabay na kaming pumunta sa room.
"Oh my anong ginagawa ng Level Five dito.."
"Kyaaaaahhhh Xiel ang gwapoooo mo"
"James pogi mo talaga"
"Ano kaba girl mas pogi si Xymon"
"Shin ang cute cute mo grabeeeee"
"Kyaaaahhhh Jero myloves"
Isa sa mga kinaiinisan ko ang subrang ingay nila. Binigyan ko sila ng pamatay na tingin kaya natahimik bigla. Ayoko silang takotin ayoko lang talaga sa maingay nakakairita.
"Xiel. Wag mo silang takotin dyan sa pamatay mong tingin. Baka malibing mo yan ng buhay ! Haha" biro ni Shin
"Tara na"tipid kong sabi
Pagdating namin sa room. Ayan na naman ang walang kamatayang ingay hay! Di na sila nagsawa. Sakit sa tenga!
"May I have your attention please. We have here your new classmates. Actually they choose to transfer here in our section. And most of you here already know them. But I will let them introduce themselves to you." Sabi ni Miss Gonza sa mga estudyante.
"Come in boys! And introduce yourselves" dagdag pa aniya
Naunang magpakilala sila Xymone at pinili kong magpahuli.
"Good Morning classmate Im Xymon Brekx Alegre."
"Hi Im James Adrian Montes"
"Hello guys Im Shin Min Lee"
"Hi Im Jero kien Alfonso"
Matapos nilang magpakilala ay agad nila akong tiningan na hinintay na mgsalita. Gusto ko ng umupo kaya nagpakilala na agad ako.
"Klient Xiel Yoon. Call me Xiel for short. Ayoko ng maingay. Kung mag-iingay kayo sa harapan ko. Wag niyo ng pangarapin na tatagal kami sa section na'to." Seryoso ngunit maawtoridad kong sabi na siyang dahilan para manahimik sila.
Pagkatapos kong magsalita. Hiyawan ang buong klase. Level Five lang naman ang classmate nila. Sa dami ng gusto makalapit at makipag-usap samin maswerte sila at makikita nila kami araw-araw. Buti nalang at tumahimik agad sila. Masaya sila na nandito kami. Ako lang ang hindi kasi naiirita ako sa ingay nila.
Pumwesto kami sa likod gaya ng nakasanayan naming lima. Pero may nahagip ng aking mga mata na parang pamilyar na mukha. Hindi ko alam kong saan ko siya nakita. Pero pamilyar talaga ang mukha niya.
UNEDITED CHAPTER!