CHAPTER 6

2162 Words
-- Aze's POV Aish! Ano ba naman 'tong mga 'to! makasigaw parang baliw. Simula ng pumasok ang limang bagong classmate namin. Hindi na matahimik ang buong klase pero kapag nandyan na sila tatahimik bigla kapag paparating palang magwawala saka magsisigaw. Mga abnoy! Anong meron sa limang yan para magwala at gawas kong makasigaw ang mga babae dito. Pati mga lalaki nagiging bakla na rin kapag nakita sila psh! Gwapo at may dating nga sila pero grabe naman kung pagtilian ng mga ito. Maya maya pa ay dumating na ang Lec. Sa gitna ng pagtuturo parang pakiramdam ko may matang laging nakatingin sa'kin ayaw kong lumingon baka makita pa ako ng Lec. namin. Kung saan-saan ako lumilingon kaya hinayaan ko nalang pero naiilang talaga ako pakiramdam ko may lagi talagang nakatingin sa'kin. Aish! Napraprating na ako. Natapos ang klase namin kaya. Bumaba na ako sa papuntang cafeteria. Hindi paman ako nakakarating sa Cafeteria ay may bigla nalang sumigaw ng pangalan ko. "Chantell!" "Eh?" Sabi ko sabay lingon. O_o Anong ginagawa nila dito? Wag nilang sabihin na... "Hi Chantel .. Namiss mo ba kami?" Si Mika Chantell talaga tawag nila sa'kin ! Ewan ko sa mga 'to para maiba raw at saka sila lang pwede tumawag sa'king Chantell. 2nd name ko pa napiling itawag sa'kin. Kahit sabi ko sa kanila dati na Aze nalang ayaw talaga nila kaya hinayaan ko nalang "Bakit ko naman kayo mamimiss?" tanong ko at nalungkot sila bigla. "Tara na girls! Hindi niya pala tayo namiss. See I told you guys nagbago na talaga si Chantell. Huhu!" Sabi naman ni Kira. Lintik nagdrama pa pag-umpugin ko kaya ang mga 'to! "Wait?" Pagpigil ko "Yes Chantell?" Ngiting sabi ni Mika "Bakit kayo nandito? Paano niyo nalaman na nandito ako?" Sunod-sunod kong tanong "Connections" sabay nilang sabi Aish! Oo nga pala bakit hindi ko naisip yun! Hindi talaga ako makakatakas sa mga 'to! "Ah! Okay anong section niyo?" "Sa section mo syempre! Hehe papasok na kami bukas para makahabol kami sa mga lesson." Masayang sabi ni Janine Ano pa bang magagawa ko. Okay na rin na nandito sila para hindi ako maging loner. Hindi kasi kami pareho ng section ni Leigh. Kaya wala akong friends sa room. Ayoko din sa mga yun. Parang pinaglihi sa microphone araw-araw ang lalakas ng mga boses. "Oh! eh total nandito lang din naman kayo. Libre niyo na ako ng lunch nagugutom na ako. Papunta na sana akong cafeteria ng tinawag niyo ko.!" "ha?bakit kami ang manlilibre diba dapat ikaw pangwelcome mo samin kasi you know magkakasama na naman tayo!" Si Jacky "So ayaw niyo? Eh di bahala kayo sige alis na ako!" Kunwaring nagtatampo ako. "Ito naman di na mabiro halika na girls e.libre na natin ang dyosa baka ano na naman ang trip gawin nito kapag nalipasan ng gutom." Napipilitang sabi ni Jacky Psh! Alam ko naman hindi talaga nila ako kayang tiisin. Ganyan nila ako ka love. Kahit hindi ko naman sabihin alam naman nila na impotante silang apat sa'kin. Super duper close naming lima para na kaming magkakapatid. Ang mga parents nila ay business partners nila Mom. Kaya marami din silang connection. At kaya lagi din silang sunod ng sunod sa'kin kong saan ako nag-aaral. Napagpasyahan namin na sa mall nalang kami maglulunch malapit lang din naman sa school. Hindi kasi ako pwedeng malate sa afternoon class ko. Kundi patay silang apat sa'kin. Maya maya pa ay nakarating na kami sa mall. Kunting kwentohan lang saka kami umalis. Kailangan din kasi nilang maghanda para bukas. Buti pinayagan pa silang mag.enroll kahit late na. Sabagay wala pa namang isang buwan simula noong pasukan saka anong silbi ng connections ng mga pamilya namin diba? Bumalik ako sa school mag-isa kasi umuwi na sila. Buti hindi pa ako late. Sabi ko rin sa kanilang apat na ipapakilala ko sila kay Leigh. Buti hindi sila nag.react haha mga OA pa naman yun kapag nalaman nilang may new friend ako.. Natapos ang klase buti wala kami masyadong assignment kaya makakapag-relax ako ng maaga. Tuyong-tuyo na utak ko grabe kung noong 2nd year palang ako parang pa.easy-easy lang ngayong 3rd year na ako. Hays ngayon ko lang naramdaman ang hirap maging estudyante. Pero kailangan kong magsipag sa edad kong ito nasa high School palang ako. eh kasi nga napakapasaway ko kaya pinahinto ako nila Mom ng two years para magtanda raw ako sa kalokohan ko. Hindi naman gusto nila Mom talaga yun sila Mamu ang nag-utos na parusahan ako. Kaya ayun napahinto ako ng two years College na dapat ako ngayon. Kaya ngayon iwas g**o muna ako lalo na't uuwi ang mga grandparents ko. Dahil kapag hindi ako nagtino sa Korea ang bagsak ko at hindi na ako makakabalik pa dito. Kasalanan ko bang ganito talaga ako. Hindi naman harsh yung mga ginagawa kong kalokohan. Tapos sa kanila big deal na yun psh!. Hindi ko rin kasalanan na kapag ako naagrabyado paniguradong gaganti talaga ako. Masama bang ipagtanggol ko ang sarili ko. Mga OA lang talaga sila. K i n a b u k a s a n Maaga akong pumasok kasi ngayon unang araw ng mga kaibigan ko. Paniguradong grand entrance ang magaganap haist! Ngayon palang naeestress na ako. Ako na naman lagi ituturo ng mga yun kapag pinagalitan sila. Saktong alas syete dumating si Ms.Gonza. Terror pa na naman ang isang toh! "Good Morning Class" bati ni Ms. Gonza samin "Good morning Ms.Gonza" ganting pagbati ng mga kaklase ko. Tahimik lang ako di ko feel bahala sila. "Okay! Class may bago na naman kayong Classmates. Grabe bakit ba dito sa section ko nila gusto ang dami-dami niyo na. Pero wala akong magawa gusto talaga nila dito kaya tinanggap ko na. Okay girls Come in and introduce yourselves." Alam kong mga kaibigan ko ang tinutukoy ni Ms. daming satsat buti nga dito sa section niya gusto ibig-sabihin magaling talaga siyang magturo daming arte ng babaeng 'to. Pumasok na ang mga kaibigan ko. Laki ng mga ngiti abot hanggang edsa. Wag lang sana silang magpasaway ayoko muna ng g**o. Nakalimutan ko pa naman silang sabihan kahapon. "Hi there! Im Mikaela Yanice Goo , But you can call me Mika for short. "Hi classmates Im Janine Faye Han , Call me Janine "Hi everyone Im Kira Zeth Park, You can call me Kira or Zeth. Its up to you guys.hehe "Hi guys ! Im Jacky Lien Han , Call me Jacky and kung nagtataka kayo Han din ako. Yeah! Kapatid ko si Janine. Wag kayong tatawag ng Han. Baka malito kami kung sino tinatawag niyo saming dalawa. Tawagin niyo kami sa mga pangalan namin. Okay! Thats all thank you! Aish! Magpapakilala lang daming pang kaartihan. Wag kayong magtaka dahil ginaya lang nila kung pa'no ako magpakilala sa klase remember no'ng nagpakilala ako ganyan na ganyan din. "Okay! Thank you girls.You may take your sit. Doon kayo sa likod." Si Miss.Gonza Sa mismong tabi ko ang pwesto nilang apat at sa kabilang side naman yung mga boys na bagong lipat din no'ng nakaraan tahimik lang ang mga 'to. Kaya wala akong problema itong apat na kaibigan ko lang talaga. Kung maingay ang mga fans nitong apat na boys. Wala ng mas iingay pa sa apat na katabi ko ngayon. Pinaglihi sa megaphone ang mga ito. Kung alam niyo lang kahit ang lapit niyo lang tapos hindi ka nakikinig sa kung ano ang sinasabi nila. Boom sabog tenga mo kasi uulitin nila mga hindi mo narinig ng pasigaw na pagkakasabi. Pero buti hindi sila ganun sa'kin dahil alam nilang matindi pa ang igaganti ko sa kanila. Kapag sila lang apat ganyan ang gingawa nila. Pati sa iba ganyan din sila. Ewan ko ba bakit nagkakasundo sila sa ugali. Maliban sa'kin. Gaya ng sabi niya ako ang dyosa sa grupo nila. Kumbaga ako ang tinuturing nilang leader. Wag kayong ano dahil maganda ako. (V) Natapos ang klase namin kaya sabay-sabay kaming pumunta sa cafeteria. Si Mika ang nag-order ng pagkain namin. Ganito kami dati araw-araw isa samin ang manlilibre. Oh diba ang saya ng samahan namin. Nandito kami nakapwesto sa may bandang gilid ng cafeteria. Pero parang kanina ko pa napapansin lahat sila nakatingin samin. "Chantell? Why ganyan sila makatingin sa'tin with matching bulong-bulong pa sa katabi nila?" Tanong ni Kira. Psh! Umiral ang pagka.conyo. "Ewan siguro nagagandahan sa'tin." " Yeah! Maganda naman talaga tayo. Why Mika is so tagal naman. Gutom na ako.!" Si Kira "Puntahan mo na kaya dun Janine.!" Utos ko "Bakit ako?yang si Kira nalang total gutom na yan eh!" Si Janine "Stop me! Janine ikaw inutosan kay shuuu puntahan mo na si Mika." Pagtaboy ni Kira Aish! Ang iingay talaga nila. Maya maya ay dumating na si Mika. Kaya ayun natahimik mga gutom lang pala. "Ohh my god nandyan na ang Level Five" "Holy golly ang gwapo ni Xiel." "Hi James. Ang bango mo talaga! Gosh!" "Ang hot ni Jero hoho! Yung pante ko nalalaglag na." Bweset ayan na naman ang mga fans ng mga boys na'to kahit saang sulok nitong school sila ang bukambibig. Tss "Hala patay. Nandyan na si Xiel diba pwesto nila yan." "Oo nga! Baka hindi nila alam naku! Goodluck sa kanila" "Oo nga!Naku ang sama pa naman ni Xiel pakatitig. Pamatay talaga" Ayan din ang hindi mamatay-matay na bulongan ng mga bubuyog. Aish! Di ko nalang pinansin. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko. "Tayo!" Isang sindak na sabi. Paglingon ko yung classmate ko na isa sa mga pinagkakaguluhan araw-araw ang nakita kong nakatayo sa harap ko ngayon. At ang sama niyang makatingin. Tss problema nito! "Yes?May kailangan ka?"Kalmado kong tanong habang yung iba nakatingin lang samin. Daig pa nanood ng shooting "Nasa pwesto ka namin. Alis!."Pasigaw niyang sabi. Aba! Pigilan niyo ko sasapakin ko 'to! Yung mga kaibigan ko. Kumakain pa rin parang wala lang. Kakatawa ganyan talaga yan sila walang paki kapag ako nakipag-usap. "Eh! Ano naman ngayon. Eh di dun kayo sa iba jusko inestorbo mo pagkain namin dahil lang naka-upo kami sa pwesto niyo. Kala mo naman naubusan ka ng pwesto kong makasigaw ka dyan." Kalmado ko pa ring sabi. Trip ko yata mantrip ngayon. Parang naiinis na'tong kaharap ko eh! "Kilala mo ba sinong kaharap mo.?"Tanong niya kahatang naiinis na "Hindi. Ang alam ko lang classmate kita. Baka gusto mo ipakilala para makilala kita."Pang-iinis ko "Ha!Ako hindi mo kilala. Tang*na baka matakot ka kapag nakilala mo ako!?" Pagmamayabang niya. Matakot daw. ! Asa "Eh?" Kunwaring nagtaka "Ang mabuti pa umalis na kayo. Habang nakakapagtimpi pa ako.!" Inis na talaga siya "Bakit anong gagawin mo?" Kunwaring takot ako. Yung mga kaibigan ko nagpipigil ng tawa. Lumapit siya sa'kin as in yung mukha nilapit talaga. hahalikan ba ako nito Langya!. "Gusto mo ba malaman ano ginagawa ko sa mga taong lumalaban sa'kin." Itsura niya parang nanakot na nang-aakit. Ano ba 'tong isang 'to parang sinapian. "oh-- !Ano naman ginagawa mo sa kanila aber?." Pilit kong pinapakalma sarili ko. Kinabahan ako bigla. "Sigurado kang gusto mong malaman.." sabi niya na may panunuksong tingin. "Oh my anong gagawin ni Xiel sa kanya" "Hahalikan niya ba ang girl na yan? My god !" "Gosh! Di ko keri 'to! Ano bang ginagawa niya. Bakit kasi pinatulan pa niya si Xiel." "Ah---!Ano b-ba kas-si gagawin mo " Nauutal kong tanong. Bweset bakit ba ako kinakabahan. "Xiel !Tama na yan pumapatol ka na naman sa babae" pigil ng kasama niya. Wooh!Thank you sa kanya. "Ah miss pasensya kana dito sa kaibigan ko ganito lang talaga 'to!" Paumanhin ng kasama niya. "No its okay! Wala naman siyang ginawa eh!" Sagot ko. "Wait diba ikaw yung classmate namin?." Tanong niya "Ahm yeah! At sila yung mga kaibigan ko na transferee din." Sabi ko sabay turo sa mga kaibigan ko "Sige miss una na kami pasensya na ulit." Sabi niya saka hinila ang kasama ang sama pa rin makatingin sa'kin. "Oh my god girls nakita niyo yun?" "God? Hindi ba siya natakot kay Xiel. Nakay niyang tagalan ang titig ni Xiel sa kanya." "Oo nga! Ang galing naman niya!" Pisteng oh my god yan. Kanina ko pa naririnig. Bweset na mga 'to. Bubulong na nga ang lakas pa! Mabulunan sana kayo! "s**t! Wala pa ring kupas ang dyosa. Did you see that girls. At ito pa narinig mo yung sabi ng iba dyan. Natagalan niya nag titig ng Xiel ba yun. Mukhang nakahanap ng katapat ang ating dyosa tingnan niyo naman kanina. Subrang lapit ng mga mukha nila at ito pa itsura ni Chantell kanina parang kinakabahan. Woohh first time ko yata nakita ang ganung itsura mo Chantell haha.." panunukso ni Mika sa'kin. Bweset bakit ba kasi ako kinabahan bigla kanina. -- Matapos ang mga nangyari kanina ito ako ngayon sa kwarto. Napapaisip kung bakit ako kinabahan sa kanya sa lahat ng mga ginanun ko sa kanya lang ako kinabahan. Aish! Nakakainis. Makatulog na nga lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD