Chapter 18 Taon Isang taon ko rin pinili na manatili muna sa amin sa probinsya pagkatapos ng nangyari... Isang taon. Pero parang ang bilis pa rin. Parang kahapon lang. Hindi pa rin naibsan ang sakit. "Sigurado ka na ba talaga, Giselle? Puwede ka namang magpahinga pa muna. Bata ka pa rin naman. Puwede ka pang bumalik sa pag-aaral mo kahit sa susunod pa na taon." kausap sa akin ng Nanay. Umiling ako at binalingan siya para ngitian. Para hindi na rin ito gaanong mag-aalala. "Okay na po ako, Nanay." sabi ko. Nagpatuloy ako sa pag-iimpake ng gamit ko. "Nami-miss ko na rin po mag-aral. 'Tsaka g-graduate nalang sila Katrina. Gusto ko na rin po makatapos." Nagbuntong-hininga ang Nanay. "Alam namin iyon, anak. Sige, saan ka...tutuloy sa Maynila?" tanong nito. "Doon pa rin po siguro sa dati