Chapter 19 Second Chance Umiling nalang sa amin ni Gio ang doktor nang lumabas ito galing sa operating room. Nanlalaki ang mga mata kong hindi na natigil sa pagluha. Kinuwelyuhan ni Gio ang doktor na bigo rin. "Hindi..." umiling-iling ako. Hindi ko matanggap. Halos magwala rin si Gio doon sa ospital. Inawat na siya ng mga staff. Dumating sila Nanay at niyakap nalang ako. Hindi na ako makahinga hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay. Ang bigong si Gio ang bumungad sa akin nang nagising ako sa loob na ng isang private hospital room. Nag-iwas ako ng tingin at natutulala nalang sa kawalan... "Bakit, Gio? Ano iyon? Pinahiram lang ba sa atin ang anak natin? Bakit sobrang bilis? Bakit sandaling sandali lang? Marami pa tayong plano para sa anak natin. Bakit nangyari 'to..." nag-bre