Chapter 21

2712 Words

NANG matiyak na maayos na ang kalagayan ni Jhen ay pinauwi na ni Leandro si Anna. Pero may kalahating oras na siyang nakamasid kay Jhen pero hindi pa rin ito nagigising. Hindi siya umalis sa tabi nito hanggang gupuin siya ng antok. “Mama… mama…” Naalimpungatan si Leandro nang marinig na nagsalita si Jhen. Nakakatulog na sana siya sa tabi nito habang nakaupo. Nang tingnan niya ito ay nakapikit pa rin ito pero kumikilos. Ginagap niya ang kamay nitong nakataas. “Jhen,” bulong niya rito. Mamaya ay bigla na lang umupo si Jhen. “Mama!” sigaw nito. Ikinulong niya ito sa kanyang bisig. “Ssst. It’s okay,” aniya. Nang titigan niya ang mukha nito ay nasilayan niya ang pagdaloy ng mga luha sa makinis nitong pisngi. Nababanaag niya ang takot sa mga mata nito. Ikinulong niya sa magkabilang palad a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD