NASABIK si Jhen laliman pa ni Leandro ang paghahalikan nila. Bigla niyang na-miss ang mga haplos nito, lalo na ang pag-angkin nito sa kanya. Mamaya ay binuhat siya nito, saka muling pinaghinang ang kanilang mga labi. Ang bilis nitong maglakad. Hindi na niya namalayan ang mabilis na pagdating nila sa native room ng resort. Pagkalapag nito sa kama ay ganoon naman ang agarang paghubad nito ng damit. Kinabahan siya. Gawa sa native material ang kuwartong iyon kaya siguradong maririnig ng katabi nila ang ingay niya sakaling salantahin na nito ang katawan niya. Iyon talaga ang gusto niyang mangyari, ang angkinin siya nito at paligayahin. Nang malaya na sa saplot ang katawan nito ay nilapitan siya nito saka nag-aapurang pinaghuhubad ang mga damit niya. “Dito ba talaga, Leon?” nababahalang ta