Chapter 14

2943 Words

MAKALIPAS ang isang linggo… Nagtataka si Jhen bakit hindi na niya nakikita ang bulto ni Leandro kahit saan sa lupaing zoo at resort, lalo na sa mansiyon. Magmula noong gabi na katabi niya itong matulog ay hindi na niya ito nakita kinabukasan. Nakadama siya ng inis. Hindi siya nakatiis, pinuntahan na niya si Anna sa opisina nito. “Kahapon pa umalis si boss papuntang Spain. Hindi ba siya nagpaalam sa iyo?” sagot sa kanya ni Anna nang tanungin niya ito tungkol kay Leandro. “S-sinong kasama niya?” balisang tanong niya. “Kasama niya ang dati niyang kliyente na may zoo rin sa Maynila. Dalawang ticket nga ang pina-book niya sa akin, ang isa para doon sa babae. May business appointment daw sila,” anito. Bigla na lang nanikip ang dibdib niya. Nangyari na nga ang pinag-usapan ng dalawang iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD