Aizen’s pov: Halos paliparin na ni Callix ang sasakyan sa sobrang bilis nito magpatakbo. Wala pang isang oras ay malapit na kami doon. Muntik pa akong mapasubsob nang biglang ihinto ni Callix ang sasakyan. Masyado akong nag-aalala kay Sashna kaya tila lumipad ang isip ko. Bakit ba sya huminto!? Napatingin ako sa harapan at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang muntik na anming masagasaan. Si Clarence!!! "T-tulong... uhmp! T-tulong!!!" tumatangis niyang sabi. Hindi ko sya kaagad nakilala kanina dahil gabi na at madilim ang daan; bukod pa do’n… ang mukha nya— sh*t!!! "CLARENCE!!!" taranta kong tawag sa kanya at agad kaming bumaba ng sasakyan ni Callix. Nakatayo sa harapan ng sasakyan si Clarence at may kung anong nakapasan sa kanyang likuran. Nang makalapit ako sa kanya a

