Aizen's pov: Matapos ng pulong kanina ay nag-usap-usap pa kami nila Callix at Dylan tungkol sa mga nangyari sa base at ng tungkol sa mga dapat na ayusin. Hindi pa namin ipinaalam sa base ang tungkol kay Valeska, kulang kami sa ebidensya! Hindi naming matawagan si Venice na syang inaasahan naming na magbibigay ng matibay na katibayan… pero simula ng gabing ‘yon ay hindi na sya nagparamdam. Hindi na ba sya tutupad sa aming napag-usapan? Mas pinipili na ba nya ngayong kumampi sa kanyang mga magulang? Hmn!? Pero kitang-kita ko sa kanyang mga mata noon ang senseridad at pagkadesidido, hindi kaya nahuli sya ng kanyang mga magulang at nalaman na tumutulong sya sa amin? Venice. Kung magkagayon man, alam kong walang gagawing masama sa kanya sila Valeska pero maaaring ikinulong sya sa kanyang kw

