"Matatag ang taong tumatanggap sa katotohanan, kahit na masakit sa kalooban! Kaya ko na siguro, mas nanaisin kong ipaglaban ang mga kaibigang tinuring akong pamilya... kaysa sa isang kapamilyang pinaramdam na wala akong halaga!" "Lalim ah! Saang baul mo naman nahalungkat ‘yan!” ngisi nya ngunit kinalaunan ay naging seryoso. “Kung ano man ang mangyari… ngayon pa lang ay humihingi na ako ng kapatawaran.” “Wala akong balak patawarin ka… dahil wala ka namang kasalanan sa akin.” "Sya nga pala... Ahmn... I told everyone that this mission is too risky, that’s the truth! Pero matigas ang ulo ng dalawang ungas na ‘yon kaya hindi ko na sila mapipipgilang sumama sa akin pero… ayokong isugal ang mga buhay nila!” sabi nya na may bahid ng pag-aalala para sa kanyang mga kaibigan. "What I told e

