Brahma's pov: Ang batang ‘yon… Hmn. Ang takbo ng kanyang isipan ay hindi pangkaraniwan. Sa oras ng panganib... palagi syang may naiisip na paraan! Anak nga talaga sya ni Vishnu! Nakakatuwang isipin... na ang magkapatid na Dylan at Aizen na matagal ko ng binabantayan ay may mga hindi matutumbasang kakayahan nino man. Sa t’wing nagtutulungan sila... lahat ay kanilang nalalampasan! Ngayon ay kasama pa nila si Callix na anak ni Shiva..., ang tatlong ‘yon, kapag nagsama-sama ay nakakapangilabot talaga! Napangisi ako bigla habang naiisip ko sila. Nakakaramdam ako ng inggit sa aking mga kaibigan Kung sana ay nagkaanak lang din ako ng lalaki… siguradong ikararangal ko kung magiging parte sya ng grupo ni Prime. Alam kong mga pasaway sila at puro kalokohan pero buo ang tiwala nila at hindi ni

