Callix's pov: “At saan ka pupunta!?” tanong ni Valeska habang nakatutok ang baril nya sa likuran ng aking ulo. Bwisit!!! Lumapit sa akin ang iba nyang mga tauhan at inagaw sa aking kamay ang rifle na hawak ko. Malakas na inihampas naman ni Valeska sa aking batok ang kanyang hawak na baril kaya halos mapasubsob ako sa aking kinaluluhuran. Sh*t! Plano ko na sanang puntahan sila Aizen para tulungan pero... biglang dumating sila Valeska!!! H-Hinid! Hindi ako pwedeng magtagal dito!!! Kailangan ako nila Sashna!!! "Hmmnn... hindi ko inaakalang tatlo pala ang dagang nakapasok sa Mansyon ko!!! Ngayon tignan natin kung sino ka at alin sa inyo ang tunay na Prime!!!" nakangising sabi ni Valeska. Kung gano’n… hinahanap nya pa rin pala ang tunay na Prime! Huh! Kaya pala hindi nya ko binaril agad

