Chapter 38 Callix's pov: Pabalik na kami ni Dylan ng Mafia Mansion, ang dapat na naging tirahan namin ni Sashna, huh! Nakasunod lamang ako kay Dylan na nakasakay sa kanyang kotse at ako naman ay sa aking motorsiklo. Sa halos kalahating oras ay narating namin ito kaagad. Napapakamot na lang ako ng aking noo sa pagkairita sa t’wing maiisip ko na makikita ko na naman ang kumag na ‘yon! Tsk! Huminto si Dylan sa paglalakad at sinulyapan ako. "Hmn, ngayon pa lang hihingi na ko ng paumanhin, magkasing tigas talaga kayo ng ulo ni Prime kaya hindi na ko magtataka kung hindi na naman kayo magkakasundo!" natatawa nyang sabi. Nag-iwas ako ng tingin habang magkasalubong ang mga kilay ko. "Susuntukin ko ulit sya sa mukha pag kinontra nya ko!" "Hahahahahahaha, ganyan din ang sasabihin nya panigur