Dylan’s pov: I know he'll know it in an instant! I could say that’s one of his specialties! Analyzing things and giving solutions with 99% of accuracy… how great, isn’t it? Napangisi na lang ako dahil alam kong hindi naniniwala si Callix sa mokong na ‘to pero… kahit ako ay medyo naguguluhan at interesado na akong malaman kung paano ito sagutin. ... Binuksan ni Aizen ang isa sa mga kabinet ng mesa ko at kumuha ng sulatang papel at ballpen. Nakatitig lang kami ni Callix ng tahimik sa kanya at naghihintay kung ano ang kanyang gagawin. Muling nag-type si Aizen sa kompyuter upang maghanap sa Google at nang basahin ko ang kanyang hinahanap ay napakunot ang aking noo. Lavender's Blue Piano Music Sheet? “Marunong bang tumugtog ng piano ang iyong ina?” tanong ni Aizen kay Callix habang nakati