Brahma's pov: Hinintay ko si Aizen sa veranda. Mukhang may sasabihin sya sa aking hindi nya muna gustong ipaalam sa iba. Hmn, maaaring may kinalaman ito sa aking asawa— s Valeska. Ang babaeng ‘yon, hanggang ngayon ay hindi ko lubos maisip kung anong pagkukulang ang nagawa ko para magawa ya sa akin at sa organisasyon ang mga kataksilang iyon. Noong makilala ko sya ay alam ko na na may kakaiba syang ugali ngunit iyon napansin kong kaakit-akit sa kanya. Bukod sa kanyang mukha na nagtataglay ng kagandahan, matalino din sya at matapang. Hindi sya nagpapatalo sa anumang argumento at palagi syang handa sa panganib. Pursigido sya sa kanyang mga pangarap kaya nakamit nya ang maging Class-S kahit may ilang mga tumutol. Ipinamalas nya ang kanyang husay at talion kaya naman ay kinalaunan ay t

