Unfortunate

1293 Words

Venice's pov:   Mmn… mmmn!!!   Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ko pa rin maramdaman ang aking katawan. Pakiramdam ko ay namamanhid ito na hindi ko maintindihan. A-Ano bang… ano bang nangyari!?   Medyo malabo pa ang aking paningin ngunit may mga nauulinagan ako sa aking harapan. Naririnig ko rin ang boses ng aking ina na humahalakhak at para bang ang saya-saya nya! Sa kanyang paahan… isang katawan ng babae ang nakahandusay at para bang nakatali ang mga kamay at binti nito. Mariin kong ipinikit-pikit ang aking mga mata upang kahit papaano ay luminaw ang aking paningin. Ilang sandali pa… ay nakikita ko na nga sila ng malinaw at agad akong nakaramdam ng gulat at kaba nang makita ko kung sino ang babaeng nasa paahan nya; sya ay walang iba kung hindi ang… ang Harriet!  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD