Dylan's pov: The time passed by so fast. We only have few more hours left before our mission pero ngayon pa lang ay sinisimulan na nila ito. Ngayon ay ikonekta na nila ang microchip sa system ng Ares. Sanib pwersa ang mga utak nila ni Aizen habang titig na titig sa kompyuter at patuloy na inaaral ito; nakakamangha talaga ang dalawang ‘yon! Unlike those two who's a computer enthusiast... alam ko at aminado akong mas marami silang alam sa akin pagdating sa critical thinking and technicality ng mga kompyuter. Hindi na ako nakiusyoso pa sa kanila at ginawa ko na lang ang mga ilan sa mga dapat ko pang gawin. I have prepared the ones we will wear and use on our mission. Nakakuha na ako ng mga isusuot namin sa Mafia Mansion; inilapag ko ang mga black suit sa kama kung saan nakalagay ang mga

