Callix's pov: Ang misyon na ito… napakahalaga ng misyon na ito para sa aming tatlo! Muli ay babalik kami sa base ng Ares at sa pagkakataong ito… ay para iligtas ang kapatid ko at ang Queency! Seryoso ang naging usapan nila kanina. Ramdam kong desperado silang mailigtas ang mga ito… pero… hindi ko pa rin maiwasang maging diskumpyado! Nakita kong hindi pa rin maikilos ni Aizen ng maayos ang kanyang braso, kakayanin nya ba ang isang mabigat na laban? Isa pa… ang microchip na ginawa ko, tsk! Sana… sana ay walang maging problema! … Narating na naming ulit ang base ng Ares. Sakay ng isang itim na kotse, inihinto ito ni Dylan sa di kalayuan kung saan tanaw namin ang base nila. Mukhang pinapaayos na nila ang nasira naming no’ng huli! Hmn. Inaasahan nila ang pagdating ngayon ni Prime, pero al

