Sashna’s pov: Buhat-buhat ako ni Aizen sa kayang matipunong mga braso. Kitang-kita kong seryosong-seryoso sya sa kanyang binabalak. K-kinakabahan ako! Nang marating namin ang kwarto ko ay tuloy-tuloy lang siyang pumasok dahil nakabukas naman ang pinto. Isinara niya ito ng maingat sa pamamagitan ng kanyang paa at hindi pa rin ako ibinababa. “A-Aizen,” sambit ko sa pangalan niya at napatikom ako agad ng aking ibig ng lingunin nya ako. “Baka takas an mo na naman ako eh,” sabi niya, “Ang sakit kaya nung sipa mo nung nakaraan.” Parang gusto ko naman na mapatawa dahil sa sinabi nya. Yun ang unang pagkakataon na tinaaan ko siya! Ahahah! Ibiaba niya ako at isinandal sa pader habang salit-salitang tumitingin sa aking mga mata at mga labi. Nakatingala naman ako sa kanya at pakiramdam ko ay nah