Stare

1157 Words
Zarina’s pov: Magkahawak ang mga kamay namin ni Aizen habang nanunuod ng telebisyon. Nakahiga sya sa sopa at ako naman ay nakaupo sa sahig habang kumakain ng popcorn. Ang kambal ay pumasok sa kanilang paaralan at si lola naman ay nagpapahinga sa kanyang kwarto. Hapon na kasi no’n at medyo mainit kaya nakakatamad talaga kumilos. Hindi kami nagsanay ngayon ni Aizen dahil halos araw-araw na kaming nagsasanay no’ng mga nakaraang araw hanggang kahapon. Sumasakit na din talaga ang katawan ko pero nasasanay na din ata ako. Isa pa… ang sarap sa pakiramdam ng purihin niya ako! Sa susunod naming na pagsasanay ay mas lalo ko pang paghuhusayan! Hmn! … “Hmn? Tapos na?” dismayado kong sabi habang nakatitig sa telebisyon. Si Aizen ang may hawak ng remote kaya naman napalingon ako sa kanya dahil hindi siya kumikibo. Huh? Natutulog ba siya? Napatingin ako sa mga kamay naming na magkahawak; ibang klase, natutulog siya pero ang higpit pa rin ng hawak nya sa akin? Natutulog ba talaga siya? Lumapit ako sa kanya at tinitigan ang kanyang mukha.Sinuri ko kung totoong tulog siya o nagtutulog-tulugan lang. Pero kung sabagay ay nakakaantok talaga ang panahon ngayon. Napanguso ako habang nakakunot ang aking noo at nakatitig sa gwapo niyang mukha. Ipinatong ko ang siko ko sa sop ana hinihigaan niya at sinalo ang aking baba. Ang sarap niyang titigan dahil parang napakatino ng kumag na ito kapag ganyang tulog siya at hindi ako inaasar. Sa tingin ko ay tulog nga siya dahil naririnig ko ang mahina niyang paghilik. Malamang ay napagod din siya ng mga nakaraang araw dahil mahirap akong turuan. Sa maiksing panahon ay madami akong natutunan sa kanya… mula sa pagdipensa ng aking sarili hanggang sa tamang paghawak ng baril. Masasabi kong… napakahusay nyang talaga pero… magagamit ko bang talaga ang lahat ng ito pagdating ng araw? Ayokong pumatay ng tao… pero may mga taong gusting pumatay sa akin. At maaaring tama si Aizen, hindi sa lahat ng oras ay may tutulong sa akin; hindi sa lahat ng oras… kasama ko siya. Pero… hindi naman ibig sabihin no’n ay maghihiwalay kami ng matagal… hindi ba? … “Hmn, hindi mo naman ako iiwan… hindi ba?” tanong ko na pabulong sa kanya dahil alam kong tulog siya. Kahit alam ko na hindi sya sasagot sa tanong kong iyon… umasa na lang ako na ang sasabihin nya ay hindi nya ako kailanman hahayaang mawala sa kanya. Baliw lang siya pero… sigurado ako… mahal ako ng lalaking ito. Napapangiti na lang ako habang nakatitig sa kanya, napakagwapo nya talaga! Sira-ulo nga lang… madalas! “Ugh!” nagulat ako nang bigla na lang yumapos sa bewang ko ang braso niya at hinatak ako pahiga sa sopa. Ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig habang nakahiga kami ng patagilid sa sopa. Nilingon ko siya at nakapikit pa rin pala ang kanyang mga mata. Eh? “Bakit ba tingin ka ng tingin, kanina ka pa,” sabi niya kahit hindi naman niya ako tinitignan. Mukhang antok na antok talaga siya pero… sandali! Kung gano’n ay kanina nya pa alam na tinititigan ko siya? Ahmp! N-narinig nya kaya ang sinabi ko? Marahan niyang iminulat ang mga mata niya at tinignan ako, “Hindi ka ba inaantok?” “H-ha? A-ahmn,” hindi ko alam kung bakit hindi ko masagot ng diretso ang simpleng tanong niyang iyon at nag-iwas ako ng tingin. Bigla siyang ngumisi at hinawakan ang baba ko para tignan ko siya ulit, “Oh baka mas gusto mong—” “H-hindi no! S-sira-ulo ka talaga,” agad kong sabi at yumuko nang maramdaman kong hahalikan niya ako. Tch! Inaakit na naman ako ng lalaking ito! H-hindi, hindi ako magpapabudol sa kanya! Hmp! Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at niyakap niya ako ng mahigpit. “Let’s just sleep, Sash! Just… just stay here in my side.” Napatikom ako ng bibig dahil sa sinabi niya. Sa tingin ko ay narinig niya nga ang mga sinabi ko kanina. Hinagkan niya ng may lambing ang aking buhok at sinubukang bumalik sa pagkakaidlip. Parang napakakumportable nya sa posisyon naming iyon, pero… pero paano naman ako? Haayyy! Huminga ako ng malalim at sinuukan ko na lang din umidlip pero… kakapikit ko pa lang ng mga mata ko ay agad ko din itong naidilat nang maramdaman ko ang kamay nyang pumipisil-pisil sa aking tagiliran. Agad ko siyang tinignan ulit at nagulat ako ulit dahil nakadilat din ang kanyang mga mata at nakangisi siya sa akin. “A-akala ko ba matutulog tayo?” tanong ko sa kanya ng may pagtataka. “Nah! I changed my mind,” he said and immediately pressed his lips into mine! Mmp! B-baliw talaga! “Nhh! A-Aizen?” mahina kong tawag sa kanya nang sandaling maghiwalay ang mga labi naming. “It’s your fault for waking me up,” he chuckled as he grabbed my body to press it into him then bring back his lips to mine again. Oh dear, why can't I resist his temptation? Mmmp! Naipikit ko na lang din ang aking mga mata habang iniaangkla ang aking braso sa kanyang leeg habang lalo nyang dinidiinan ang kanyang paghalik sa akin. Ramdam ko rin ang malikotniyang kamay na hindi mapakaling na-aakyat baba sa aking tagiliran na para bang hindi mawari kung ano ang kanyang uunahing hawakan. Bahagya niyang itinaas ang suot kong T-shirt upang pagapangin ang kanyang palad papunta sa aking dibdib. Habang patuloy kami sa paghahalikan ay hinimas-himas niya ang kaliwa kong dibdib at pinaglaruan ito. Bigla kong naalala na naroroon nga pala si lola at kami ay nasa sala! Naku! Hindi ito maganda! Inawat ko ang kamay niyang naglalaro sa aking dibdib at napahinto naman siya sa paghalik sa akin. “What?” he asked in dismay. Parang gusto kong matawa sa itsura nya na nakabusangot. “W-wait! B-baka magising si lola, nakakahiya!” sabi ko sa kanya. Napangiwi siya at napailing-iling. Nilingon niya ang pinto ng kwarto ni lola at nakita naming na nakasara pa rin ito. “I think she’s still sleeping,” he said and he tried to continue what he was doing to me but I stopped him again. “Eh baka nga magising!” pag-uulit ko. Huminga siya ng malalim at bumangon mula sa pagkakahiga. Kinabahan naman ako kasi baka nagalit na naman ang kumag na ‘to sa akin. “A-Aizen, sandal! Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya habang nakahawak sa dulo ng T-shirt nya. Humarap siya sa akin at nagulat ako… nang bigla niya akong buhatin! “Mali, saan TAYO pupunta!” pagtatama nya sa sinabi ko at nagsimula na syang maglakad habang buhat-buhat ako sa kanyang mga braso. “H-huh!? S-Sandali! Ibaba mo ‘ko! Ibaba mo ko!” sabi ko sa kanya habang pumipiglas. “Shut up! You’ll wake lola up,” he said as he walked towards my room, “Stop leaving me in the air, let’s finish it this time!” WHAT!? N-NOOOO!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD