Selfishness

1049 Words
Dylan's pov: Sa wakas ay nabuksan ko na ang secret file ni Lord Shiva at pakiramdam ko ay napakalaking achievement para sa akin ito. Sa unang pagkakataon ay nakaresula ako ng isang palaisipan ng walang tulong ni Prime. Mukhang mapapadalas na din ang paglalaro ko ng mga laro nya sa susunod. Kaya pala naadik si Prime sa mga investigative games, ngayon alam ko na! Huh! ... Nakatitig ako sa screen ng laptop ko. May tatlong folder na laman ang secret file. Seryoso kong tinitigan ang mga ito at una kong binuksan ang nasa pinakaunang folder. Nang bumukas ito ay bumungad sa akin ang personal na mga datus ni Lord Shiva. Naalala ko na sinabing binura ang lahat ng datus ni Lord Shiva sa system. Pero bakit kaya? Mukhang sa flashdrive na ito nai-save ang lahat ng personal na impormasyon niya. Nasa kaliwang parte ang larawan ni Lord Shiva at sinundan ito ng mga karaniwang impormasyon. Name: Edward Aristeo Elezar Age: 51 years old Birthday: June 9, **** Hmn. Ipinagpatuloy ko ang pagsusuri sa kanyang impormasyon at wala akong pinalagpas. Maaaring may mahalagang impormasyon akong makita dito dahil hindi buburahin ang mga impormasyong ito kung hindi ito mahalaga! Status: Married Spouse: Mikaela Zurie Ortega-Elezar Children: 2 ... "Dalawa ang anak ni Shiva, nasaan na kaya sila?" pagtataka ko. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa sa kanyang impormasyon, naisip kong malamang ay may impormasyon dito tungkl sa Harriet. ... Permanent Address: #14 Sparkstree St. Blemington Valley Contact number: N/A "Not applicable, hmn? Teka... Blemington Valley?" napakunot ang noo ko. Medyo malayo ang lugar na ito dito pero kayang-kaya ko naman puntahan. Baka naroroon ang pamilya nya! ... Name of Dependents: Caleb Felix O. Elezar - 13yrs old Sabrina Shanelle O. Elezar - 14yrs old ... "Sabrina? Siya na ba ang… ang Harriet? Kung anim na taon na ang nakalipas ng kuhain ang file na ito ibig sabihin... labing siyam na taon na sya ngayon, matanda pala kami ni Prime ng isang taon,” hinuha ko habang tinitiigan ang pangalan ng Harriet, “Wala ba silang mga litrato dito!?" Patuloy ako sa pag-browse... pero wala na akong ibang makitang makakatulong sa akin bukod sa address na nakalagay dito at sa kanilang mga pangalan. Hmn, ayos na ito! Madali ko na lamang silang mahahanap panigurado. ... I minimized the tab on the screen and open a new browser to search the internet. Pinasok ko ang website kung saan nakalagay ang listahan ng mga paaralan sa Blemington Valley. I just need to input her name on search bar I'll see her record right away. "Searching for... Sabrina Shanelle Elezar,” I said while typing her name then I pressed the enter button, “Let’s see if I’ll found you here.” Sa dami ng nakatala sa website na iyon ay tila natagalan ito maglabas ng resulta. Ni hindi ako kumurap habang hinihintay ito hanggang sa… ipinakita n anito sa akin kung sino… ang Harriet. “W-wait, a-ang babaeng ito—” halos lumuwa ang mga mata ko habang tinitigang maigi ang larawang ipinakita sa akin ng website. Paanong nangyari ito? T-totoo ba ito? “A-ang Harriet… ang Harriet ay walang iba kung hindi si… si Sashna!” Tila nanginig ako sa nalaman ko. H-hindi.... H-hindi maaari!!! P-paanong... Paanong--- Tsk! At dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ay nag-double check ako sa tracking ng impormasyon ni Sashna sa talaan ng mga miyembro ng Mafia. Ang site naman ng Mafia System ang binuksan ko. Nanginginig ang mga kamay kong itina-type ang code ng piercing charm ni Sashna at may kung ano sa utak kong hinihiling na sana ay nagkakamali lang ako! Hindi pwede... Hindi pwedeng si Sashna ang Harriet!!! ... Kinakabahan ako ng pindutin ko ang Enter at nang lumabas ang resulta… ay natabig kong muli ang calculator ni Prime sa labis na pagkagulat at pagkadismaya. A-ang buong pangalan ni Sashna… ay Sabrina Shanelle… Ortega Elezar! K-kung g-gano’n… si Sashna… si Sashna nga ang— SH*T! Nanlamya ako sa kumpirmasyong… sya nga ang Harriet. Naibagsak ko ang aking likod sa aking inuupuan at saka huminga ng malalim dahil sa panlulumo. Bakit? Bakit si Sashna ang Harriet! Bakit siya pa? “F*CK! Such a small world,” I mumbled to myself as I gasped again in frustration. “Damn it!” Bakit nangyayari to!? Lalong sumakit ang ulo ko at tila nagsisisi akong nalaman ko pa ito. Nakakaasar!!! Tatayo na sana ako nang matapunan ko ng tingin ang calculator ni Prime at maisip ang mga posibleng mangyari. Prime... "Anong gagawin mo... kapag nalaman mong si Sashna ang Harriet? Siguradong maaatat kang magpakasal, hindi ba!?,” tanong ko habang nakatingin sa calculator na para bang siya iyon. Malamang ay gano’n nga ang mangyayari. Mawawalan ako lalo ng pag-asa kay Sashna. Hindi ko na siya makukuha pa kay Prime kung sakaling magpakasal sila. Tadhana, pinaglalaruan kami ng tadhana. Pero kanino ba talaga siya nakatakda? Tsk! Ayoko na lang isipin dahil lalong sumasakit ang ulo ko. Kailangan ko ng magpahinga. “Masuwerte na lang ako na ako ang unang nakatuklas nito sa ating dalawa,” sabi ko at inalis na ang tingin sa calculator, “patawad pero hindi ko hahayaang malaman mo ang tungkol dito, Prime.” … Humiga ako sa kama niya at ipinikit ko ang aking mga mata. Kahit sinabi kong ayaw ko ng isipin ang tungkol dito ay tila paulit-ulit naman itong tumatakbo sa isip ko. Kami ni Prime, simula pagkabata ay magkasama na kaming dalawa. Wala kaming kahit anong sekretong itinago sa isa’t isa. Kung mayroon man ay agad din naming iyong inaamin at nagbabati kami agad kung nagtatalo kaming dalawa. Pero hindi na kami mga bata at si Sashna ay hindi naman isang bagay na pwede naming paghatian o pagsalit-salitang paglaruan. Mahal ko si Sashna… at sa tingin ko ay mas kaya ko siyang pangalagaan kaysa kay Prime! I know… I’m being selfish, pero ngayon ko lang naman gagawin ito. Ngayon lang ako naghangad ng para sa sarili ko… kaya bakit ako makokonsensya? Unang-una siya ang hindi tumupad sa usapan! Inilayo nya sa akin si Sashna at pinagawa ang lahat ng trabaho nya sa akin dito bilang Prime! Mas makasarili siya kaysa sa akin… kaya bakit hindi? Para sa pagmamahal… kaya ko rin gawin ang ginagawa nya! Bahala na sya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD