Chapter 11
Zurie's pov:
Narito na naman sya... at ito na... ang pagkakataon ko!
Naririnig ko na ang yabag ng takong nya na pababa ng hagdan. Nai-set up ko na ang cellphone sa recording at ang kailangan ko na lang ay ang mapagsalita si Valeska tungkol sa kanyang kawalang-hiyaan nil ani Malcom!
…
Nang buksan ng mga kasamahan ni Valeska ang kulungan ko ay nagpanggap akong kagigising lang at nanghihina.
"Good morning... Sleeping Beauty!" sarkastikong bati nito habang nakangisi na parang aso.
"Nasan na... ang laket ko!" matapang na tanong ko.
Hindi… hindi ito pwedeng mapunta sa hindi karapatdapat! Kabilin-bilinan no’n ni Edward na ang mga laket ay marapat lamang na mapunta sa mga susunod na magmamana ng kanilang mga posisyon at si Valeska ay hindi kasali sa mga iyon!
...
"Hmn, ano bang meron sa laket na yo’n at napakahalaga sayo!? Mga litrato!? Ha!? Napaka-sentimental mo naman Laverne Zurie!" pangungutya nya.
"Inuulit ko... hindi na ako ang taong binabanggit mo!" pag-angil ko.
"Noon o ngayon… ikaw pa rin yo’n! Hayyy... Ano bang nagustuhan sayo ni Shiva? Hmp!" inis nyang sabi habang tumitirik ang kanyang mga mata.
Huh! Palibhasa ay nabigo siyang akitin noon ang asawa ko pati si Vishnu pero wala syang napala kaya si Brahma ang huli nyang kinalantaryo!
Napakamalas ni Brahma... bakit ba kasi napakalambot ng puso nya?! Tsk!
...
"Ako kasi... magnanakaw lang, ikaw demonyita kang gaga ka—"
Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay agad na niya akong ginantihan ng malutong niyang sampal.
Tch! B-buwisit!
"Damn you!!! Sh*t! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo!? Ano mang oras kaya kitang patayin!" nanggigigil nyang pagbabanta sa akin.
"E bakit di mo gawin!? GAWIN MO SA KIN ANG GINAWA MO KAY AURORA! GAWIN MO!" hamon ko na nagpadilat ng husto sa kanyang mga mata.
Si Aurora... ang namayapang asawa ni Vishnu. Nang muli silang bumalik dito matapos nyang manganak sa anak nilang lalaki ay pinatay siya ng babaeng ito!
"Walang hiya ka!!!" nanlilisik ang mga mata nya habang nagpipigil ng kanyang sarili.
Napangisi ako. Kung ganun... may kailangan pa sila sa akin kung bakit hindi nila ko mapatay-patay.
"Nando’n ako, hindi mo ba alam ‘yon? Nando’n ako Valeska!!! Kitang-kita ko nang barilin mo si Aurora!!!" nangingilid ang mga luha ko habang sinasabi ang mga katagang ‘yon.
Hindi man kami naging magkaibigan ng matagal ni Aurora p-pero… pero sya lang ang nagmalasakit sa akin para matanggap ako ng Mafia!
Narinig ko ng di sinasadya kung paano nya ko ipagtanggol kay Vishnu at dahil do’n ay naisip kong siya na ang pinakamabait na babaeng nakilala ko. Buntis na ako no’n sa anak kong babae at kakapanganak pa lang niya. Sinadya ko siya sa kanyang kuwarto upang magpaalam dahil hindi talaga kami tanggap sa lugar na iyon.
Nag-uusap kami no’n ni Aurora at nang malaman niya na si Valeska ang kumakatok sa pinto ng kanyang kwarto ay agad niya akong pinagtago. Dahil nga isa akong magnanakaw noon ay nasanay na akong kumilos ng walang ingay at magtago kaya malamang ay hindi ako napansin ng walang-hiyang ito.
Naroroon lamang ako sa kwarto ni Aurora… hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni Valeska sa kanya dahil nga isa din syang Mafia! Lalabas na sana ako no’n para tulungan si Aurora pero nang magtama ang aming mga tingin ay sinenyasan niya akong huwag ng lumaban… dahil buntis ako!
Malamang ay natakot siyang kapag lumaban ako ay may mangyaring masama sa amin ng aking anak. Kahit sa huling saglit ng buhay niya… ay inalala niya ako! Inalala niya kami ng anak ko! Kaya isinusumpa ko… gagawin ko din sa babaeng ito… ang ginawa niya sa asawa ko… at kay Aurora!
...
Ngumisi si Valeska habang matalim na nakatingin sa akin. "Hmn... talaga ba? O sige, pero bakit hindi mo ko isinumbong sa Mafia!?" may pang-iinsulto sa tono nya.
"Sinabi ko... Sinabi ko kay Shiva! Pero baluktot ang batas ng Mafia; sinabi ng asawa ko na kung walang ebidensya ay wala ding maniniwala... lalo na sa tulad ko na kinamumuhian nila,” inis kong sabi habang nakasara ng mahigpit ang mga kamay ko, “Ang mga gag*ng ‘yon! Mga hangal sila!”
Sa totoo lang ay labis ang galit ko sa Mafia! Wala silang ginawa sa pamilya ko kung hindi ang pahirapan kami!
At dahil sa pagmamahal ng asawa ko sa walang kwentang organisasyong iyon... namatay sya!!!
"Malamang.. hindi ka nila paniniwalaan dahil ISA KANG MAGNANAKAW! pinlano kong lahat kung pano mapapatay si Aurora, pinalabas kong pagnanakaw ng BlackHand Society ang may pakana ng lahat! At kung magsusumbong ka HINDING HINDI KA TALAGA NILA PANINIWALAAN, ikaw... Ikaw pa na dating Reyna ng Blackhand?! Huh!" sabi niya at ngumisi ng nakakaasar.
K-kung ganun... Kaya pala matapos ang gabing ‘yon… PINILIT UBUSIN NG MAFIA ANG BLACKHAND!
PINAGPAPATAY NILA ANG KARAMIHAN SA MGA KASAMAHAN KO AT IPINAKULONG ANG MGA NATIRA!
K-KAYA PALA... KAYA PALA TUMINDI ANG GALIT SA KIN NI VISHNU!
ANG... ANG BABAENG ITO… ANG MAY PAKANA NG LAHAT!
Nangingilid ang mga luha ko habang nakatitig sa kanya ng matalim dahil sa labis nag alit na nararamdaman ko. Isa talaga siyang demonyo!!!
Ang babaeng ito… MAPAPATAY KO TALAGA SYA!
....
"YOU B*TCH! OO MAGNANAKAW ANG BLACKHAND... PERO KAHIT KAILAN AY HINDI KAMI PUMATAY NG INOSENTENG MGA TAO! WALANG HIYA KA!" hiyaw ko sa kanya at nagpumiglas para maabot ko siya at masaktan ko man lang pero bigo ako dahil nakatali din ang aking mga paa.
"Hahahahahhahahahaha... Oh, really? I’m sorry but no one knows! Hahahahahahah," malakas niyang halakhak.
Nanggigigil na talaga ko. Gustung-gusto ko na syang patayin pero pinipigilan ako ng mga taling ito! Akala ko ay galit lang sa akin si Vishnu dahil kalaban nila kami pero mukhang ang lahat ng iyon ay kagagawan ng babaeng ito!
Kaya pala… kaya pala labis ang galit ni Vishnu na pati mga anak ko ay hindi nya kayang tanggapin ay dahil sa punyetang ito!!!
…
"So Zurie… wag kang mag-alala dahil isusunod din kita!" dagdag nya pa at hinaplos ang mukha ko na tila iniinis ako lalo. “Pero bago ang lahat… sabihin mo muna... ano ba ang laman ng file ni Shiva!?"
Hmmn. Kaya pala hindi pa nila ko napapatay dahil hindi pa rin nila nalalaman kung anong laman nito. Mabuti naman kung gano’n!
Muling gumuhit ang ngiti sa labi ko, "Hmn, Hindi ko alam! At kahit patayin mo pa ko... hindi ka sasagutin ng kaluluwa ko!"
Kitang-kita ang panggagalaiti sa mukha nya at agad akong sinampal ulit ng malakas na halos magpatalsik ng aking panga.
S-sh*t! Nakagat ko ata ang labi ko at nalalasahan ko ang dugo. Urgh!
"BWISIT KA! WAG MO KONG PAHIRAPAN ZURIE! ANNNNOOO!?" hiyaw niya sa akin sa sobrang inis.
"W-wala akong alam. Bahala ka kung maniniwala ka o hindi," matamlay kong sabi dahil parang nahilo din ako sa ginawa nya ng huli.
Namuti ang mga mata nya at tumalikod. Ramdam ko ang pagpipigil nya na patayin ako pero mukhang may pinaplano pa sila sa akin. Mukhang pinangrereserba pa nila ko, huh!
Hindi nila ko magagamit laban sa pamilya ko, hindi!
...
"Wag pakainin ang babaeng yan hanggang sa magsalita!" sabi ni Valeska sa mga tauhan nya at lumabas na ng kulungan ko.
Wag pakainin!?
Akala naman niya ay natatakot ako sa mga salita niyang iyon? Pweh!
Humiga ako at tumalikod at nagpanggap ulit na matutulog pero ang totoo ay kinuha ko ang cellphone at inihinto ang recording nito. I made sure nan aka-save ang video sa memory card. Alam kong kulang pa itong ebidensya pero kahit papaano ay pwede ko na itong ipanlaban sa kanya pag nagkataon.
Ayos na rin siguro ito. Ang kailangan ko na lang planuhin... ay ang pagtakas ko!
Edward, Edward mahal ko… bigyan mo pa ko ng lakas. Gabayan mo kami ng mga anak mo hanggang makamit naming ang hustisya para sayo!
At pag natapos na ang lahat… ay handa na akong sumunod sayo… d’yan… sa kabilang buhay.