Password

1361 Words
Dylan's pov: Agad kong binuksan ang vault ni Prime. Nangunot ang noo ko sa gulat at pagtataka nang makita… ang mga laruang ginawa ko no’n mula sa mga kung anu-ano para sa kanya. Ang baliw na ‘yon, pati ba naman ang mga ito ay tinatago nya pa? Ewan pero napailing na lang ako at napangiti. Ito ba ang mga kayamanan nya? Para namang may magnanakaw ng mga ito? Sira talaga! Haaayyy Aizen, Kasama ng mga laruang iyon… ay ang laket na hinahanap ko. Tama nga ako, nandito nga ito nakatago! Kinuha ko ang laket at saka ako bumalik sa tapat ng laptop ko. Hindi ko alam kung tama ang hinala ko pero… pero sana! Madalas ko makita no’n si Prime na maglaro ng mga investigation game sa kompyuter at minsan ay sinasali nya din ako pero hindi talaga ako magaling sa gano’n. Pero ngayon, mukhang kailangan kong laruin ito na tulad no’n! Sinuri ko ang laket at inisip kung saang parte ko makikita ang password na hinahanap ko. Binuksan ko ang laket at nagulat ako nang makita ko ang mga larawang nakalagay do’n! … Ang larawan na nasa kaliwa… ay ang larawan ni Aizen at ng kanyang ina na si Lady Aurora. At sa kabilang parte... ay larawan ko no’ng bata pa ako kasama... si Vishnu! I-Imposibleng… imposibleng si Prime ang naglagay nito! A-ano kayang naisip ni Prime nang makita nya ito? Tsk! Saka ko na lamang iisipin, sa ngayon, ang password ni Lord Shiva ang mahalaga! Muli kong isinara ang laket at wala talaga akong makitang palatandaan o nakasulat na may pitong karakterismo sa kwintas. Ang tanging nakasulat lamang sa lake na ito ay ang mga salitang— SANDALI! Napalunok ako ng kaunti habang titig na titig sa mga salitang nakaukit sa likod ng laket. 'YOU FORCE HEAVEN TO BE EMPTY' Kung hindi ako nagkakamali… ito ang nakasulat sa lahat ng laket! Hindi kaya… ito na… ang hinahanap ko? 'YOU FORCE HEAVEN TO BE EMPTY' 'YOU FORCE HEAVEN TO BE EMPTY' 'YOU FORCE HEAVEN TO BE EMPTY' 'YOU FORCE HEAVEN TO BE EMPTY' Paulit-ulit kong binabasa sa aking isip at inisip kung ano ang pwedeng maging kaugnayan nito password ni Shiva. Haaaayyy Lord Shiva... pinahihirapan mo ako ng sobra! ano ba ang posibleng kaugnayan ng mga salitang ito sa hinahanap ko? Sa sobrang iritasyon dahil sap ag-iisip ay napatayo ako at hindi ko sinasadyang masagi ang lumang calculator ni Prime na hawak ko kanina. Nahulog ito sa sahig at agad ko naman itong pinulot pagkatapos kong magbuntong hininga. "Haaayyy Prime... kung nandito ka lang ay ikaw na ang pinagresulba ko ng palaisipan na ito!" bigla kong nasabi sa sarili ko. Inilapag ko sa mesa ang calculator at naisip kong sir ana nga ito dahil hindi pa rin nawawala ang mga numerong pinindot ko kanina. Automatic dapat na mamamatay ang calculator na iyon pero ang mga numerong 4,7 at 8 ay nando’n pa— TEKA! Nanlaki ang mga mata ko nang may kung ano akong maisip. Salit-salitan kong tiningnan ang calculator at ang laptop ko kung saan hinihingi ang password ni Lord Shiva. Hindi kaya? Agada kong naupo ulit sa upuan sa tapat ng laptop ko at inilapag ang laket na hawak ko sa tab ng calculator. "4,7?” mahina kong sambit habang nag-iisip. Muli kong tinignan ang laket at binasa ang nakasulat, "YOU FORCE HEAVEN TO BE EMPTY? Ang 4,7 ay… katunog ng force heaven? Ito na nga kaya… ang sagot?” tanong ko sa sarili ko. Kunot-noo kong inilapat ang mga daliri ko sa keyboard ng laptop ko at inanalisa ang mga salitang nakasulat sa likod ng laket. Sana lang talaga ay tama ako ng naiisip! "Ang YOU ay letrang ‘u’, FORCE HEAVEN… ay ‘4’ at ‘7’, ang TO BE EMPTY ay ‘2bmt’!" sabi ko habang tina-type sa keyboard tapos saka ko pinindot ang... ENTER. Kinakabahan ako at nakita ko na nag-Error ang inilagay kong password. A-ano? Nagkamali ba ako? H-hindi, sigurado akong ito na ang password! Pero bakit mali? Muli akong napaisip kung saan ako nagkamali at napansin ko na ang mga letra ay naasulat sa malalaking letra. Mukhang dapat ay malalaking letra din ang gamitin ko, gano’n ba? Huminga ako ng malalim at muli kong sinubukan i-type ang password na naiisip ko. “Sana… sana ay ito na nga! U… 4… 7… 2BMT!” Titig na titig ang mga mata ko sa screen ng laptop at hindi man lang ako kumukurap matapos kong pindutin ang Enter… at ilang segundo lang… ay bumukas na nga ito! Halos umabot na sa aking tenga ang aking ngiti dahil hindi ako makapaniwalang nabuksan ko na ang secret file ni Lord Shiva! Sa wakas… NABUKSAN KO NA NGA ITO! ------------------------------------- Anim na taon na ang nakakalipas… tandang-tanda ko pa… "Huh... Huh...." hingal ko habang papasok ng bahay naming. It's Friday so I assumed that… he's here!!! Sobrang nasasabik na akong makita ulit si Daddy!!! Lumingon-lingon ako sa sala... pero wala siya! Madalas naman ay nakaupo sya dito sa sofa kapag kapag nandito sya. Pero nasan sya!? Sumilip ako sa banyo pero nakabukas ang pinto at wala namang tao. Pati sa kusina ay pumunta ako ngunit si Auntie Catalina lang ang naabutan ko na nandoon at nagluluto. Nagsimula akong makaramdam ng... lungkot. Tuwing Biyernes siya umuuwi dito sa bahay at aalis din ng Linggo ng umaga para sa kanyang trabaho at maghihintay na naman ako ng ilang araw para makita sya. Hindi ba siya uuwi ngayon? Haaayyy... Bakit!? Nasaan si Daddy!? … "Ano ba ang tinatayo-tayo mo d’yan!? Tawagin mo na ang Daddy mo sa kwarto at maghahain na ako!" sabi ni tita. H-ha!? Muling gumuhit ang ngiti sa labi ko ng marinig ko ang sinabi ni Tita Catalina. Umuwi si Daddy!!! Naririto siya!!! Dali-dali akong muling tumakbo at pumanhik sa kwarto ni Daddy at pagbukas ko ng pinto ay lalong lumapad ang aking ngiti. NANDITO NGA SYA! Nakaupo sya sa may harap ng lamesa nya at abala na naman sa kung ano. Mahilig mag-imbento ng kung anu-ano si Daddy; ewan pero napakatalino nya talaga at nagtataka ako kung bakit hindi ko iyo namana. Minsan ay gusto ko ng maniwala sa mga pinsan ko na ampon lang ako ni Daddy eh, hmn? No’ng kamakailan lang ay gumawa sya ng ‘magic’ syanse! Ahahahaha! Nakita niya kasi akong umiyak nang matalsikan ako ng mantika habang nagpiprito ng isda kaya naisip niyang gawan ako ng ‘magic’ syanse na may pindutan na parang sa otomatikong payong na kapag pinindot mo ay may lalabas na panangga! Tawang-tawa ako no’n pero napakalaki ng naitulong sa akin dahil hindi na ako takot magprito! Ewan ko ba dito sa Daddy ko... kung anu anong naiisip! Ahahaha! Pero effective naman! ... Niyakap ko si Daddy ng mahigpit na sya namang kinagulat niya. "Oh, andito ka na pala!" ngiti nya at dinampian ako ng madiin na halik sa aking noo. Matapos ko syang yakapin ay naupo ako sa gilid ng kama nya habang nakaharap sa kanya. "Di mo ko napansin!? Di mo ko na-miss!?" tanong ko at umarte na na lulungkot. Tumawa naman si Daddy ng mahina, "Aynaku talaga ‘tong prinsesa ko oh! Hahahah! May ginagawa lang ako," sabi nya habang patuloy pa rin sa pagkukutingting habang palingon-lingon sa kompyuter nya. "Prinsesa!? Asus! Hmp!" pagtatampo ko kunyari. Humarap sya sa akin na bahagyang nakangiti, "Halika! Tignan mo ‘to anak!" sabi nya at inilahad sa harap ko ang palad nya...na may hawak na kung ano. "Ano po ‘yan!?" pagtataka ko habang nakatitig sa maliit na bagay na hawak nya. "Ito ay... Ito ay isang ‘memory chip’. Isang mahalagang ‘microchip’," sagot nya na parang may takot at pag-aalinlangan. "Ano pong nagagawa nyan!?" tanong ko pa. Bumuntong-hininga si Daddy na tila ba hirap na hirap syang sagutin ito. "Ito ang.... Ito ang magpapahirap sa tin!" sagot nya ulit. Eh!? "Po!? Daddy!? Eh, bakit ka gumagawa nyan!?" dismayado kong tanong at nakaramdam ako ng takot. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Bakit siya gagawa ng isang bagay na alam niyang magpapahirap sa amin? Mapait syang ngumiti at pinisil ang kamay ko, "Para… para sa ating pamilya… at pagkakaibigan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD