Zurie's pov: Hinatak-hatak ko ang mga kamay ko mula sa pagkakatyali at sinubukan kong makawala ngunit parang imposible. Tsk! Palingon-lingon ako sa paligid pero ni wala akong makitang pwedeng makatulong sa kin para maalis ko ito. Kahit anong matalim na bagay o ano basta lang maputol ko ito! Kainis! ... Hindi ko matanaw ang labas. Bukod sa dalawang bantay na nasa tarangkahan ng kulungan ko… hindi ko sigurado kung ilan pa ang naroroon pero… pero kailangan ko ng makaalis dito! … "Tubig!!! Tubig!!! Parang awa nyo na, pahinging tubig!!!" nagmamakaawa kong sabi. Agad namang lumingon ang dalawa at ang isa sa kanila ay inutusan ang kanyang kasamahan. "Hoy! Bigyan mo ng tubig!" "Eh, hindi ba bawal syang pakainin!?" tanong no’ng isa. "P-parang awa nyo na... kahit… k-kahit tubig lang!!!" p