Zurie's pov: Uggghhh! H-hindi! Paano— p-paano pa ko makakatakas dito!? Hinang-hina na ang katawan ko. Wala na akong lakas para makalaban pang muli. Ilang araw ng walang laman ang sikmura ko at sa tuwing darating si Valeska ay hinahataw pa nya ako ng latigo. Tsk! Urgh! Napapangiwi ako sa kirot ng mga sugat ko habang pilit na bumabangon. Nakatali sa likuran ko ang aking mga kamay pati na rin ang aking mga paa at tila sinigurado na nilang hindi na ako makakatakas pa! Duwag talaga sya!!! ... "P-pagkain... p-pahingi ng pagkain!" nanghihina kong sabi. Sinulyapan lang ako ng isang lalaking nagbabantay at agad din akong binalewala. Nagsindi ng sigarilyo ang isang lalaki at nagbuga ng usok pero hindi din ako pinansin. Tch! K-kainis! "P-p-pagkain..." muli kong pagmamakaawa ngunit tila nadal