Sash's pov: Panibagong araw na naman ... ngunit kahit anino nya ay hindi ko na talaga nakita. Hmn! Ano ba namang isipin ito!? Sya na naman ang pumasok sa utak ko! Ilang beses ko ng sinabi na hindi ako aasa at kakalimutan ko na sya… pero… kahit anong gawin ko… bigla ko pa rin syang naaalala! K-kainis! … Matapos mag-agahan ay tinulungan ko si lola maglinis saka ako nakipaglaro sa mga bata kanina. Sa ilang araw na nanatili ako dito na wala sya… tila paulit-ulit na lamang ang ginagawa ko na para bang… ewan ko. Pakiramdam ko ay may mali sa akin. Halos ganito rin naman ang ginagawa ko noon sa mansyon noong nagtatrabaho pa ako kay Prime. Matapos kong pumasok sa Mafia Academy ay agada kong uuwi para maglinis naman ng kwarto ni Prime at ipaghanda ang ilan nyang mga kailangan. Paulit-ulit lang