Zurie's pov:
Hindi ko alam kung anong plano nila Malcom sa akin pero kung ano man ‘yon… hindi ko hahayaang hindi maipaghiganti ang asawa ko!
Pumasok ang isang lalaking may dalang tray ng pagkain... pagkain ng aso! Ilang linggo ko na ring tinitiis kainin ang mga ito. Kahit na sukang-suka na ako ay kailangan kong kumain para makaipon ng lakas upang kung may pagkakataon ay hindi ako manghina at makagawa ako ng paraan na makatakas!
"Heto na ang pagkain mo," maangas na sabi ng lalaki at ibinagsak sa aking harapan ang dalang tray.
Nagtalsikan ang ilang butil ng kanin at halos matapon na ito sa sahig. Ang walang hiya! Kung hindi lang nakatali ang mga kamay ko ay kanina ko pa siya pinatay ng hindi nya namamalayan!
Huh!
…
Tumalikod siya habang dinudukot ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Agad na napako ang mga mata ko sa cellphone na hawak niya. Kailangan ko ‘yong makuha!
"Aaahh… ahhhhh," pag-arte ko.
Totoong sugatan na ang katawan ko at lamog sa mga parusang ginagawa sa akin ni Valeska sa t’wing pupunta sya dito pero ang simpleng paghataw ng latigo sa aking balat ay hindi makakapagpahina sa akin! Ang mga sampal at pangungutya nya'y maibabalik ko rin ng sampung beses sa kanya... sa tamang panahon!
…
Bukod sa babaeng iyon, walang sino man ang pinalalapit nya sa akin. Mukhang natatakot rin naman syang maisahan ko!
Tusong maldita! Bwiset!
...
Nilingon ako ng lalaki at kunot-nuo nya akong tinitigan. Umarte akong nahihirapan at nagpaawa ako sa kanya.
"M-masakit ang aking mga kamay. Sa tingin ko ay sugat na ang aking balat sa sobrang higpit ng pagkakatali... baka pwede mo naman akong... tulungan?" sabi ko sa mapang-akit na paraan.
Punit-punit na ang aking damit dahil sa pagmamalupit sa akin ng babaeng ‘yon. Alam kong may edad na ako pero ang mapang-akit kong itsura ay hindi pa rin naman kumukupas. Pinilit kong pasilipin sya sa pisngi ng aking malusog na dibdib at ang makinis at maputi kong hita ay pilit ko ring inilantad. Kitang-kita ko ang pagtikom nya ng bibig na tila nagpipigil ng sarili!
Huli ka na ngayon gunggong ka!
Parang pinagpawisan sya ng malagkit at bahagya syang nagpunas ng nuo. Lumingon-lingon muna sya sa paligid bago ako nilapitan.
"S-sige! S-sandali" sabi nya.
Isinuksok nya lang ang cellphone nya sa kanyang tagiliran at nilapitan ako na tila nagmamadali. Kahit na hindi na maayos ang itsura ko dahil sa mga sugat na natamo ko… mukhang hindi pa rin nawawala ang mapang-akit kong ganda.
Hmn.
…
Niluwagan niya nga ng kaunti ang pagkakatali sa aking mga kamay. Nang matapos na ito ay tumayo ako at nagpanggap na nawalan ng balanse at nahilo para mapasandal sa kanya.
“U-umayos ka!” sabi niya nang alalayan niya akong tumayo.
"Ahmn... ahh salamat!" panlalandi ko pa sa kanya.
Nakatitig lang sya sa akin na parang nahihipnotismo. Hinimas-himas ko ang kanyang braso ng aking mga kamay na nakatali habang patuloy syang inaakit sa aking mga tingin. Inilapit ko din sa kanya ang aking katawan at sinadya kong inilapat ang aking malulusog na mga dibdib sa kanya.
I know this is one of the stupid men’s weaknesses, the heck!
Habag ginagawa ko ito aypasimple ko namang dinudukot ang cellphone nya sa kanyang tagiliran. At nang makuha ko ito ay pinadulas ko ito sa pagitan ng aking mga hita at iniipit ng hindi niya napapansin.
Pinisil ko ang pwetan nya habang nakangisi at lumayo na ako sa kanya, “Salamat ulit!”
Nagulat sya marahil sa pagpisil ko sa pwetan nya pero maya-maya ay lumabas na din sya ng kulungan ko na may malapad na ngiti sa kanyang mapangit na mukha.
Akala nya ata ay sinuswerte sya ngayong araw na ito. Huh! Assh*le!
Dahil medyo madilim sa loob ng aking kulungan… pinlano kong mabuti ang lahat. Hindi na ko pwedeng magtagal pa sa lunggang ito! Ngayong alam na nilang buhay ang anak kong babae… siguradong pinaghahanap na nila ito para patayin!
May tiwala ako kay Callix; alam kong hindi nya papabayaan ang kapatid nya ngunit nag-iisa lamang sya at kahit gaano pa kabihasa ang anak ko, nanganganib pa rin ang buhay nya!
Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa mga anak ko!!!
Sa muling pagbabalik ni Valeska… kailangan kong makuha ang lahat ng ebidensyang kailangan ko! Lalong-lalo na… ang laket ko!
Hindi nila pwedeng malaman ang halaga ng mga laket na ‘yon!
HINDI PWEDE!
-------------------------------------
Callix's pov:
"Hoy tanda, saan naman tayo pupunta!?" walang respeto kong tawag sa lalaking nasa harapan ko.
Nakipagkita sya sa aking muli sa hindi ko malamang dahilan.
"Parehong-pareho talaga kayo ng iyong ama!” ngumisi siya sabay hagis ng ilang damit sa akin, “Hmn, mabuti naman at suot mo na ang piercing charm! Sumunod ka na lang at huwag ka na munang magtanong!”
Nangunot ang noo ko habang nakatitig sa damit na hawak ko. Ano na naman ba ang nasa isip ng matandang ito?
"Isa ka ng Mafia, hindi ba? Isuot mo ang black suit na ‘yan at bilisan mo," utos nya sabay talikod at dumiretso na sa kanyang limousine.
Maka-utos wagas! Patayin ko na lang kaya siya agad? Tsk!
Nasa isa kaming parke at nasa tapat ako ng pampublikong palikuran. Sandali nga, bakit ba nakaitim na suit lagi ang mga Mafia?
Nagbuntong hininga na lang ako at napilitang magpalit ng damit. Bwisit!
…
Matapos kong magpalit ay lumapit ako sa sasakyan nya. Sinenyasan niya akong pumasok sa loob ng kanyang sasakyan at ginawa ko naman kahit naiirita ako. Nang makapasok na ako sa kanyang sasakyan ay nakita ko ang mapang-asar niyang ngiti na tila ba nagsasabing kahit gaano katigas ang ulo ko ay kayang-kaya niya akong pasunurin sa kanya!
Sira-ulong matanda!
"Mukha ka ng tao! Mabuti," pangiinis nya.
Inis na lang akong ngumisi at napailing, “Oh, nakakatawa ‘yon?”
Nakaupo ako sa harap nya at umupo ako ng kumportable na tila nasa bahay lang ako. Samantalang siya ay nakasandal na tuwid ang likod at mukha pa ring kagalang-galang na tao.
Pero wala talaga akong balak na galangin siya! Hmp!
"Hindi mapagkakaila na ikaw ay may angking kagwapuhan na tulad sa iyong ama. Mukhang madami ka ng babaing pinaiyak, bata!" muli nyang sabi tapos naramdaman ko na ang pag-andar ng sasakyan.
"Huwag mo ng bilugin ang ulo ko, tanda! Matagal ko ng alam na gwapo ako, huwag mo ng ipagkalat!" malamya kong sagot habang nakatanaw sa labas ng bintana.
"Hmn, tiyak kong maganda din ang kapatid mong babae! Kamusta na sya!?" sabi nya pa at agad ko siyang binalingan ng matalim na tingin.
Hindi kaya kumukuha lang sya ng impormasyon kung nasan ang kapatid ko!? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maialis sa isip ko na siya ang may pakana ng lahat!
"Hoy tanda! Kung iniisip mong sasabihin ko sayo kung nasaan sya... nagkakamali ka! Hindi pa rin kita pinagkakatiwalaan... tandaan mo yan!" pabalang kong sab isa kanya.
Mapait syang ngumiti, "Alam ko, wala akong balak alamin kung nasaan sya. Ang gusto ko lang malaman ay kung kumusta sya."
"Ano ba ang pakealam mo!? Hindi ba't may anak kang babae!? Hindi ba kung hindi magpapakita ang kapatid ko... ang anak mo na ang magiging reyna ng mga Mafia? Ang lahat ng kapangyarihan ay mapapasainyo na!” irritable kong tugon sa kanya.
Hindi siya nagsalita ng ilang sandali at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagtataka. Sinilip ko sya mula sa gilid ng aking mga mata at may kung anoa kong napansin sa kanyang ekspresyon. Para bang namungay ang kanyang mga mata at nabalot siya ng lungkot pero magkasalubong ang mga kilay niya na para bang nagpapakatatag. Ano na naman bang kadramahan ito?
“Makinig ka bata,” sabi niya at tumingin sa labas ng bintana, “Ibabahagi ko sa iyo… ang isang sekreto.”
Lalong nangunot ang kanyang noo na para bang naghihinagpis ang kanyang kalooban. Gusto ko sanang sabihin na hindi ako interesado… pero mukhang taliwas iyon sa saloobin ko.
Sekreto? Ano ang kanyang sekreto? Ano?!