Callix’s pov:
“Makinig ka bata,” sabi niya at tumingin sa labas ng bintana, “Ibabahagi ko sa iyo… ang isang sekreto.”
Nakatanaw siya sa labas ng bintana at tila puno ng paghihinagpis ang kanyang mga mata. Bakit? Ano ba ang… ang sekreto nya?
“Ang kinikilalang Queency ng Mafia… ay hindi ko anak,” sabi ni tandan a labis kong ikinagulat.
A-Ano? Anong hindi niya anak?! Totoo ba ang sinasabi ng matandang to!?
…
“H-HOY TANDA! Huwag mo nga akong pinagloloko! A-anong hindi mo anak ang Queency!?” halos pasigaw kong tanong sa kanya.
Mapait siyang ngumiti ng kaunti, "noong una… ay hindi ko rin alam na hindi ko pala sya anak! A-akala ko ay sa akin sya galing... pero hindi, hindi pala!”
“Paano nga nangyari iyon!? Imposible!” hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.
“Tatlong taon matapos ipanganak si Venice ay nagplano akong magkaroon pa sana ng isa pang anak dahil sa kagustuhan kong magkaanak ng lalaki… ngunit ilang taon pa ang lumipas ay hindi pa rin nabubuntis ang aking asawa, hanggang sa kumunsulta ako... sa isang doktor at nalaman kong... ako ay may hindi magandang kondisyon sa aking p*********i! Nalaman kong baog ako at hindi na ako magkakaroon ng anak na lalaki pero... ang mas masaklap na katotohanan... ay simula pa pala ito ng aking pagkabata!" malungkot nyang salaysay.”
Napatigalgal ako sa ikinuwento nya. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya at napalunok na lang ako ng kaunti dahil hindi ako makapagsalita. A-ano? Anong dapat kong sabihin sa matandang ito?
B-bakit!? Bakit nya sinasabi ang lahat ng ito sa akin?
Naisara ko ng mahigpit ang mga kamao ko habang nangangatal ang bagang ko.
"Seryoso ka ba d‘yan?!" tanong ko at hindi sya umimik na tila ba sinasabi sa akin na ako na ang bahala kung paniniwalaan ko siya.
Kaasar!
"TANG'NA! KUNG TOTOO YANG SINABI MO… WALANG KARAPATAN ANG BABAENG ‘YON NA MAGING REYNA NG MGA MAFIA! PERO BAKIT!? BAKIT MO SYA INAKONG ANAK MO? AT KAMI... KAMI NG KAPATID KO NA DAPAT MAKARANAS NG KARANGYAAN AT KAPANGYARIHAN ANG SYANG NAGHIHIRAP NGAYON? NABUHAY KAMI NG MAGKAHIWALAY SA DAMI NG NAGTATANGKA SA MGA BUHAY NAMIN! TAPOS SIYA NAGPAPAKASASA LANG SA MANSYON? HINDI SYA PUWEDENG MAGING REYNA NG MAFIA! ALAM MONG HINDI PWEDE PERO BAKIT!??? BAKIT HINAYAAN MO ‘TONG LAHAT!?" galit na galit kong sigaw sa kanya.
Oo, nagagalit ako! Nagagalit ako pero habang nakatingin ako sa kanya ni hindi ko naman sya magawang saktan! Nawala ang mapait na ngiti sa kanyang mukha at puro kalungkutan na ang bumalot dito.
"Bakit!? Hmn. No’ng malaman ko ang lahat ay halos mabaliw na ko sa kakaisip kung niloko ba ako ng aking asawa pero sa huli... hindi ko sinabi sa kanyang alam ko na na anak nya sa ibang lalaki si Venice. Hanggang ngayon ay hindi nya alam na alam ko ang lahat,” sabi niya at kitang-kita ko ang panginginig sa kanyang kamao. “Bakit hindi ko sinabi!? Bakit hindi ako nagalit!? Simple lang. Iyon ay dahil... mahal ko ang aking asawa.”
Pagmamahal.
Buwiset! Nakakainis!
Gusto kong magalit. Gusto ko siyang saktan dahil sa katangahan niya pero… habang nakatitig ako sa kanya… ay nakikita ko ang anyo ng aking ina.
Bigla ko na lang naalala ang araw na iwan kami ni Daddy para sa Mafia. Pinilit ngumiti no’n ni Mommy at pakitang ayos lang siya pero nung kami na lang dalawa ang magkasamang namumuhay ay halos araw-araw siyang umiiyak!
Tinanong ko siya no’n kung bakit… b-bakit hindi nya pinigilan si Daddy… at ang sagot nila ng matandang ito ay magkaparehong-magkapareho!
Tsk! Nakakairita! Kung ganyan ang nagagwa ng pagmamahal… wala akong balak na maramdaman ang bagay na ‘yan!
…
Pinilit kong ikalma ang sarili ko. Padabog akong sumandal sa upuan at nanahimik na lang. Hindi ko pa rin alam kung magtitiwala ako sa kanya, pero.. may parte sa utak kong.. parang gusto ng maniwala sa kanya.
Hmn, bahala na!
…
"Ihanda mo ang sarili mo at papunta tayo… sa meeting ng Class-S! Malapit ng dumating si Vishnu at sa pagdating nya... ikakasal ang Queency at si Prime!" sabi nya pa.
F*ck!
Parang may pumitik na ugat sa ulo ko dahil sa sinabi nya.
Kasal!? Huh! E di magpakasal sila!
"Bakit ko kailangang sumama sa meeting na ‘yon!? Hindi naman ako class-S at wala akong pakealam sa kasal na ‘yon! Ang gusto ko lang ay malaman kung sinong nagpapatay sa Daddy ko" masungit kong sabi.
Tumango-tango sya ng bahagya. "Ayaw mo bang maging reyna ang yong kapatid!?" usisa nya.
Lalong nangunot ang noo ko. Anong klaseng tanong ‘yon?
"At bakit ko naman gugustuhing ipakasal ang kapatid ko sa taong hindi nya pa nakikilala? Isa pa... napakabata nya pa para sa obligasyon at imposible rin iyong mangyari! Matagal na rin naman kaming hindi kinilala ng Mafia kaya anong pakealam ko do’n?!" yamot kong sagot.
"Pero hindi mo ba naisip… na ang lahat ng yo’n ay dapat na sa kanya talaga!?” seryoso nyang sabi. “Kung sakaling kinilala kayo bilang mga tagapagmana ng Mafia, malamang ay may mataas ka ring pusisyon sa organisasyon tulad ni Prime... hindi ba!?"
Tsk!
"Pero hindi nga kami kinilala… HINDI BA!?" agad kong tugon sa inis.
Ano ba kasing pinupunto iya? Ano ba ang gusto nyang mangyari!? Gusto niya bang bawiin namin ang lahat ng dapat na para sa amin!? Kung gagawin naming ‘yon, baka magmakaawa sa amin ang ampon nya! Huh!
"Mmn, sige sige! Tsaka na natin pagusapan ang ‘yong kapatid, sa ngayon... gusto kong makilala mo ang Class-S!" sabi nya sabay hagis sa akin ng... isang gintong laket?
Medyo nabigla ako pero nang makita ko ito... buong pagtataka kong tinitigan si tanda.
"Pamilyar ba!? Iyan ay mula sa iyong ama,” sabi niya habang nakatingin din sa akin. “Gusto kong makilala mo ang Class-S dahil malakas ang kutob ko... na isa sa kanila ang hinahanap mo!"
Isa... sa Class-S?
Napatitig ako sa gintong laket na hawak-hawak ko. Ito ay… kaparehong-kaparehong laket ni Mommy!
“Hawakan mo muna iyan bilang pag-alala sa iyong ama. Gusto kong isipin mo na hindi ang Mafia ang kalaban mo dahil isa ang ama mo sa mga nagtatag no’n, at ang laket na ‘yan ang isa sa mga simbolo ng katapatan nya sa Mafia. Kung wawasakin mo ang buong organisasyon ay bibiguin mo lamang siya,” sabi niya na tila ipinaliliwanag sa akin kung bakit ipinahihiram nya sa akin ang laket na ito. “Ang traydor sa Mafia ang kalaban mo at hindi ang organisasyon, magtulungan tayo para mahanap ang taong ‘yon!”
Nakatingin pa rin ako sa laket at iniikot ko ito. Ang mga katagang nakasulat sa laket ni Mommy… ay nakaukit din dito.
'YOU FORCE HEAVEN TO BE EMPTY'
Ito nga ang isa sa tatlong laket na tinutukoy ng aking ina noon. Pero… ano nga ba ang kahulugan ng mga katagang ito?
Hmn.
Alam kong pag-aawayan namin ito ng aking ina balang-araw pero… kung ito ang pinakamabilis na paraan para mapaslang ko ang taong hinahanap ko, gagawin ko! Tsaka na lamang ako kakalas ng Mafia kapag nagawa ko na ang aking misyon.
Mahigpit kong isinara ang kamay kong may hawak sa laket. Naging interesado ako sa sinasabi niya. Siguro nga ay dapat kong makilala ang mga taong ‘yon upang makilatis ko kung sino sa kanila ang may dahilan para patayin ang aking ama!
Kung sino man siya… humanda siya sa akin, hinding-hindi ko talaga siya bubuhayin!