Valeska's pov:
Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa buong kwarto nang ihampas ko ang palad ko sa mesa dahil sa labis na pagkainis.
"ANO BANG MGA KATANGAHAN ANG PINAGGAGAGAWA NYO!? NASAAN BA ANG MGA UTAK NYO?! NASAAN NA ANG FILE NI SHIVA? HANGGANG NGAYON HINDI NYO PA RIN ALAM KUNG NASAAN? ANG MGA ANAK NILA NI ZURIE, HANGGANG NGAYON HINDI NYO PA NAPAPATAY? ANG BOBO NYO! MGA WALANG SILBI! AAAAAAHHHHH!" hiyaw ko sa sobrang inis matapos kong ihagis sa sahig ang baso ng champagne na iniinom ko kanina.
At ang mga gag* naming tauhan... ni wala man lang kumibo!
Nakakabuwisit talaga ang mga ito! Ang tatanga!
…
Bumukas ang pinto at pumasok si Malcom. Si Malcom... ang pinuno ng Varia! Ang mortal na kalaban ng mga Mafia!
Lumapit sya sa akin at hinimas ang aking likod para pakalmahin. Nakangiti na naman sya at do’n ako naiirita lalo. Parang ni hindi man lamang sya nakakaramdam ng tensyon samantalang halos nababaliw na ako dito!
"Stress ka na naman mahal ko! Hindi ba't sinabi kong ako na ang bahala!?" sabi nya sabay halik sa mga kamay ko.
Inirapan ko sya sa sobrng pagkainis at galit kong binawi ang aking kamay.
Kalokohan!
"Paanong ikaw ang bahala!? WALA KA NGANG GINAGAWA! Paano kung sa pag dating ni Vishnu… lumantad ang laman ng secret file ni Shiva? Paano kung sumulpot ang Harriet? Paano kung hindi na maikasal si Venice kay Prime? Paano kung malaman nilang ako ang sumasabotahe sa Mafia? Masisira lahat ng plano ko Malcom! ANG LAHAT NG PINAGHIRAPAN KO! Siguradong papatayin nila ako!" nanginginig kong sabi dahil sa pangamba at pagkainis.
Dinampot ko ang bote ng champagne at tinungga ito. Isipin ko palang kung paanong pagpatay ang gagawin sa akin ng Mafia... ay pinangingilabutan na ako at ang walang hiyang ito ay pangisi-ngisi lang!
Hindi... hindi nila pwedeng malamang ako ang nag-set up kay Shiva!
Hindi nila pwedeng malamang ako ang totoong taksil sa grupo nila!
Bago pa nila malaman ang lahat… ay dapat nasa amin na ang Mafia Organization! Dapat ay si Venice na ang mamuno do’n!
Lalong lumapad ang pagngisi ni Malcom. Tumaas ang isa kong kilay; ano na naman kayang nasa isip nya?!
Kinuha nya ang bote ng champagne mula sa kamay ko at inilapag sa mesa tsaka nya inilahad sa harap ko ang isang... brown envelope.
Ano na naman ito?
Nagtataka akong lumingon sa kanya bago ito abutin. Ngumisi lang sya ulit bago nagsalita. "Iyan ay kuha sa CCTV footage malapit sa lugar kung saan pinatay si Gideon. Nakuhaan ang dalawang lalaking ‘yan na siguradong myembro ng Mafia at sigurado na sila rin ang tumugis kina Gideon!" paliwanag ni Malcom.
Binuksan ko ang envelope at kinuha ang mga larawan na nasa loob nito. Tinitigan kong mabuti ang litrato... dalawang lalaki nga ang nasa mga ito. Hindi ko kilala ang isa sa kanila pero… halos lumuwa ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ang isa sa mga lalaking nasa larawan.
Sh*t! N-no!
This guy… he is—
"Ang isa sa kanila ay myembro ng class-S na si Dylan Jacobs. Malamang ay kilala mo sya ngunit ang isang lalaki na kasama nya, wala kaming nakuhang impormasyon nya pero base sa suot nyang piercing charm na silver, isa lamang syang low profile Mafia! Malakas ang kutob ko na na kay Dylan ang hinahanap nating secret file ni Shiva!" agad na sabi ni Malcom.
Hindi ko maiwasang lalong maginig ng makumpirma kong si Dylan nga ang nasa litrato.
Sh*t! P-paano nya nalaman ang tungkol sa secret file na ‘yon ni Shiva? Sino ang nag-utos no’n sa kanya? Si Vishnu ba? H-hindi… paano kung nabuksan na nya ang file?! Paano kung alam na nila ang laman no’n!? A-anong agwin ko? Anong gagawin ko!
Bumibilis ang t***k ng puso ko sa pinaghalong kaba at takot pero sandali, kung nabuksan na nya ang secret file na ‘yon, bakit wala pa syang ginagawang hakbang? Nabuksan nya na ba talaga ito? O wala naman talagang nakalagay na impormasyon do’n na magdidiin sa akin?
Marahil nga! P-pero paano kung nagkakamali ako? Paano kung pinagpaplanuhan na pala nila ako? Kailangan kong mag-ingat! Kailangan kong malaman kung may alam na nga ba siya o wala pa!
Ngayong alam na naming kung nasaan ang secret file ni Shiva, kailangan naming iyong makuha! Pero… paano?!
----------------------------------
Dylan's pov:
Sa muling pagpupulong ng Class-S, hindi ako nagpanggap na si Prime... Bakit? Kailangan ko rin kasing... maging ako... sa totoo lang!
Napabuntong-hininga ako sa pag-iisip. Gustung-gusto ko na talagang puntahan si Sashna pero paano ko gagawin ‘yon kung dalawang katauhan ang ginaganapan ko?
Humanda talaga sa akin si Prime! Tsk!
Kung hindi lang ako naiipit sa mga obligasyon ko bilang myembro ng Class-S at bilang Prime ay malamang na sumukpot na ako kung nasaan man sila. Siguradong manggagalaiti si Prime pag nakita ako pero pakialam ko?
Nami-miss ko na si Sashna. Hayyy!
...
Bumukas ang pinto at nagsidatingan na ang iba pang myembro ng Class-S. Kami ay may kanya-kanya ng upuan sa tuwing ganitong may pagpupulong at ako ay nakaupo na sa upuan ko. Ang aking upuan ay sa kanang bahagi ng upuan ni Prime, sa tabi ng upuan ni Brahma.
Nasa loob na rin ng kwarto ang Con, Dean at iba pang myembro. Maya-maya ay dumating na rin si Valeska at kasunod niya si Brahma.
Huh?
Napaisip ako dahil sa likuran ni Brahma ay isang binatilyo ang nakasunod sa kanya. Sino naman ang lalaking ‘yan?
Medyo nakapagtataka dahil ngayon lang siya isinama ni Brahma dito. Sinundan ko ng matalim na tingin ang lalaki at sinuri; base sa kanyang pangangatawan... malamang ay mas bata sya sa amin ni Prime ng dalawa o tatlong taon. Hindi ko pa siya nakikita noon pero base sa suot niyang piercing charm, marahil isa lang siya sa mga tauhan ni Brahma.
Pero… may kakaiba sa lalaking ito. May pakiramdam akong hindi sya pipitsugin. Sino ba sya?
…
Napuno ang upuan sa loob ng kwarto... at tanging upuan ni Shiva at ni Prime ang walang nakaupo. Umupo si Brahma sa kanyang upuan... at ang lalaking kasunod nya ay tila nag-iisip kung saang upuan sya mauupo.
Nagulat ako ng lingunin niya ako at ngumisi na tila gusto akong pikunin. Mukhang alam niya na pinagmamasdan ko siya! Nanlaki ang mga mata ko nang hilahin niya ang upuan na nasa harapan ko at doon sya naupo! Sa upuan… ni Shiva!
ABA! SINO BA ANG —Tsk!
Napalingon ang ilan pang miyembro ng Class-S sa ginawa niya. Magrereklamo sana ako ngunit… napasulyap ako kay Brahma na syang kasama nito na dumating. Wala itong imik at tila ayos lang sa kanya na do’n umupo ang kumag na ‘yon!
Sino ba talaga siya!?
Nakakairita! Kung hindi lang ang kaliwang kamay ng Mafia ang kasama niya ay baka binalian ko na sya ng leeg sa paglalapastangan niya sa upuan ni Shiva!
Ikinalma ko na lang ang sarili ko at nanahimik ngunit nang muli ko siyang mahagip ng tingin ay ngumisi sya at inilabas ng kaunti ang kanyang dila na para bang inaasar ako!
KUMAG TALAGA! Naku Dylan, magtimpi ka! May araw din sayo ang sira-ulong ‘yan!
Napapikit na lang ako sa sobrang pagpipigil. Isa pa talaga, kukutusan ko talaga ‘tong batang to!
…
Bumukas ang malaking monitor na nasa aming harapan at nagsimula ang pagpupulong. Hinati-hati ulit ang mga proyekto at misyon ng grupo ng Mafia. Hinanap nila si Prime ngunit nagdahilan na lamang ako; wala na kong magagawa pa kundi magdahilan at bumuntong hininga na lamang! Natapos ang pulong na ang pinag-usapan lamang ay ang mga palpak na misyon at kung paanong unti-unting namamatay ang ilang tauhan ng Mafia.
Hindi namin alam... pero parang nalalaman ng mga kalaban ang bawat plano at hakbang ng Mafia. Mayroon pa nga bang nananabitahe sa organisasyon gayong ang itinuro nilang taksil no’n na si Shiva ay wala na?
Napapaisip na talaga ako; si Shiva nga ba... ang taksil... o talagang na frame-up lang sya?
Sa tingin ko malalaman ko lang ang sagot sa mga tanong ko kung mabubuksan ko na.. ang secret file ni Shiva!
Pagkatapos ng pulong ay bigla na lang nawala sina Brahma at yung lalaking kasama nya. Ni hindi man lang nya sinabi kung sino at bakit nasa pulong ang binatang ‘yon.
Hmn.
Dumiretso ako ng opisina pero habang papunta ako do’n ay nakita ko na naman ang lalaking kasama ni Brahma. Nakasandal sya sa pader na tila may hinihintay… habang pinaglalaruan ang isang kwintas.
S-sandali! Ang kuwintas na ‘yon—
Titig na titig ako sa kuwintas na inihahagis niya sa ere at sinasalo pagkatapos. Iyon ay kahawig talaga… ng laket ni Prime!
PAANO NYA NAKUHA ‘YON!?
I approached him and I managed to stay cool and calm. Hindi ko ugaling manungod basta basta lalo na kung hindi ako sigurado.
"Nice locket!" I commented.
Nilingon nya ko at muli siyang ngumisi ng nakakainis. Parang puputok ang ugat ko sa ulo sa kumag na ‘to!
"Hmn, eto ba??" he showed me while holding the lace.
Sh*t! Kaparehong-kapareho talaga!
"Pwede ko bang makita?" bahagya akong ngumiti at nagbait-baitan sa kanya.
Nagkibit-balikat muna sya bago ihagis sa akin ang laket at nang masalo ko ito... ay marahan ko itong tinitigan. Hindi ako pwedeng magkamali… kapareho ito ng laket ni Prime!
“Saan mo nakuha ito?” tanong ko at nawala ang ngiti sa aking mukha.
Malamang ay naramdaman niyang pinagbibintangan ko siya kaya naman nagbuntong-hininga siya at napakamot ng kanyang ulo.
"Ano bang tingin mo sa akin, magnanakaw? What the f*ck! Ahahaha!” sagot niya.
Hindi ko na naiwasang titigan sya ng masama. Ang lalaking ito… He's pissing me off! Bakit ba hindi na lang niya ako sagutin ng diretso?
Parang may kaugali ang kumag na ‘to! Hay naku Prime, bakit ka nag-recruit ng tulad mong sira-ulo! Kaasar!