Peace Offering

1422 Words
Dylan’s pov: "Sa akin ang laket na ‘yan, Dylan!" biglang sabi ni Brahma na sumulpot sa may likuran ko. Hmn? Marahan syang lumapit sa akin at sinenyasan akong ihagis sa kanya ang laket na sya ko namang ginawa. “Pasensya na, Lord Brahma!” paghingi ng paumanhin at bahagya kong iniyuko ang aking ulo bilang respesto. Tinignan niya ang laket saka siya naglakad para ibalik sa lalaki ang laket. "Pansamantala ko lamang itong pinahahawak sa pasaway na batang ito.” Marahil nabasa nya ang pagtataka sa mukha ko. Pero anong ibig nyang sabihin do’n? At sino ba talaga ang kumag na ‘yan? "Callix, sya si Dylan,” pagpapakilala niya sa akin sa lalaking kasama nya. “Dylan... si Callix, anak sya ng isang malapit na kaibigan kaya isinali ko sya sa grupo! Pagpasensyahan mo na muna ang pagkapasaway ng binatang ito.” Anak ng isang… malapit na kaibigan? At sino naman kaya iyon? Tumayo ng tuwid si Callix habang bahagyang nakangisi. Ang laket na hawak niya ay isiniksik na nya sa kanyang bulsa at kumpyansang nakatingin sa akin. Napakalakas ng tiwala nya sa kanyang sarili, napapaisip tuloy ako kung mahusay ba siya o nagyayabang lang siya dahil si Brahma ang nagpasok sa kanya sa Mafia! Huh! Tinapik naman ni Brahma ang balikat ko bilang senyales na aalis na sila kaya tumango na lang ako bilang pagtugon. Habang naglalakad sila palayo ay napapatitig pa din ako sa binatilyong iyon, sa tingin ko ay hindi sya mapagkakatiwalaan! Pero sandali... kung kay Brahma ang laket na iyon, bakit may gano’n din si Prime? Teka, possible kayang— "Lord Brahma!" tawag ko sa kanya at agad naman silang napahinto. Pati si Callix ay lumingon sa akin at hindi sila umimik na para bang naghihintay ng aking sasabihin. Hindi na ako nagdalawang isip itanong at kahit na sigurado akong… ‘yon na nga ‘yon! "Ang bagay na ‘yan, ‘yan ba ang... ang laket na galing kay Shiva?" tanong ko. Nawala ang kumpyansang anyo ni Callix at bahagya silang nagtinginan sandal ni Brahma. Bakit? May alam ba si Callix tungkol dito? Sino ba talaga ang lalaking ‘yan? ... "Ito nga, Dylan! Kaming tatlo nila Vishnu ay may pare-parehong laket bilang tanda ng aming matibay na samahan! Bakit mo naitanong?" pag-uusisa nya. "S-si Prime... mayro’n din kasi sya n’yan si Prime! Akala ko kasi—” "Ahhh… akala mo ninakaw ko kay Prime gano’n ba? Hmnn? Ibang klase! Ang galing ko naman pala kung manakaw ko sa pinuno ng Mafia ‘yan, hindi ba?" sabi ni Callix at muling ngumisi. Tsk! Sabagay... may punto sya! Pa’nong mananakaw ng isang tulad nya ang bagay na pagmamay-ari ni Prime? Huh! Sobrang imposible! "Gano’n ba, Dylan? Marahil ay ibinigay na ni Vishnu sa kanya ito bilang tanda na sya ang susunod na papalit sa pwesto ni Vishnu! Iyon ay isa sa aming mga napagkasunduan... ang ipamana ang mga gintong laket sa mga papalit sa amin!" paliwanag ni Brahma. Sa totoo lang alam ko na ‘yon… hindi ko lang inaasahan na ‘yon pala ‘yong laket na nakita ko no’n kay Prime. Huh! Sabagay… siya naman talaga ang susunod na magiging Mafia Lord. … "Ahh, may gano’ng usapan pala kayo? Hoy tanda, wag mong sabihing ako ang gusto mong pumalit sa pwesto mo? Wala akong balak magtagal sa grupong ‘to!" tumalikod si Callix at nagsimulang maglakad palayo. Tinawag nyang ‘tanda’ si Brahma!? A-aba talagang... wala siyang respeto kay Lord Brahma! Ang lakas din ng loob nyang isipin na sya ang magiging kanang kamay ni Prime! Isa lang naman syang silver! Nangangarap ata sya ng gising! … "Hindi mo masasabi ‘yan, Callix!" nakangising sagot ni Brahma bago tuluyang tumalikod at sumunod kay Callix. T-teka, totoo bang ngumiti ang Brahma? Huli ko syang nakitang masaya... ay no’ng buhay pa si Shiva! A-at bakit parang napakakampante nya sa binatang ‘yon? Ang Callix na ‘yon ba talaga ang inaasahan niyang papalit sa kanya? S-sino ba talaga ang Callix na ‘to? Hmn. ----------------------------------------- Aizen's pov: "Oh, ano hanggang d’yan na lang ba ang kaya mo?" pang-iinis ko habang patuloy na umiiwas sa mga atake ni Sashna. "Manahimik ka nga! Aahhh!!!" sabi nya sabay sugod ng sipa sa sikmura ko na agad ko namang nasangga. Ilang araw na rin kaming sunud-sunod na nagsasanay, mahirap aminin pero napakalaki agad ng inihusay nya. Hindi na sya takot sumugod at nag-iisip na rin sya kung paano sya lalaban! Mabuti naman. Sa muli nyang pag-sipa… agad kong nahawakan ang binti nya. At dahil naka-shorts lamang sya ay inatake na naman ako ng kalokohan! Ahahahah! Napatitig ako sa kanya at napangisi... sabay haplos ng kanyang binti papunta sa kanyang makinis at maputing hita. "Hita ba talaga ‘to... o pata? Ahahaha," pang-aasar ko na sinundan ng pagtawa. Kitang-kita ko ang pamumula sa kanyang mukha at sa tingin ko talaga ay napaka-cute nya sa gano’ng ekspresyon. Kaya ang sarap nyang pikunin eh! Ahahah! Sa inis nya... agad nyang binawi ang binti nya at sinubukan akong muling sipain sa mukha! "MANAHIMIK KA! MANYAAAKKKK!" hiyaw nya. Hindi ako naging handa sa pag-atakeng ‘yon ngunit mabuti na lang ay mabilis ko pa rin itong naiwasan. Muntik na ako do’n! Hmmn... lalo tuloy akong ginanahang inisin sya! "Gumagaling ka sa t’wing inaasar kita. Maybe I should tease you more often!" I smirked. Halos magdikit na ang mga kilay nya sa inis, hindi na sya nagsalita at agad nya kong sinugod ng sunud-sunod! See? Ahahah! Napakaagresibo! Mas malakas at may pwersa na ang mga atake nya kaysa no’ng una kaming naglaban. Hmn. Hindi ko maiwasang mapangiti ng malapad ng maalala ko ang araw na ‘yon; ang araw kasi din na’yon ay ang unang beses ko siyang nahalikan! Ewan ko pero sa tingin ko ‘yon talaga ang totoong matamis na pagkapanalo! Ahahah! Her taste… I will never forget her taste and I’m craving for it every day! I seem to miss the sweetness of her lips so every time we meet, I become mischievous just so I can kiss her again. And now that she’s with me… I can taste her luscious lips whenever I want to! ... Patuloy pa rin sya sa pagsugod. Mukhang ganado siyang magsanay ngayon kahit kanina pa kaming umaga nagsimula. Sa muling pagsuntok nya, hinawakan ko ang kamay nya para pigilan ito at hinatak ko sya palapit sa akin. Ikinulong ko siya sa aking mga braso at tinitigan ang maganda nyang mukha habang nakangisi. “A-Aizen! Madaya ka!” sabi niya at sinusubukang kumawala sa akin. She’s still thinking that we’re still practicing but the truth is I really want to hug her. “Hey,” sabi ko at niyakap ko na sya ng mahigpit. Kahit kanina pa kami nagsasanay ay napakabango pa rin niya. Nawawala ang pagod ko habang nakayakap ako sa kanya. “A-Aizen, ano bang ginagawa mo? H’wag mo akong amuyin, amoy pawis na ako,” tila nahihiya nyang sabi at natawa ako ng mahina. “Huwag ka ngang magulo,” sabi ko sa kanya at ipinatong ko ang noo ko sa kanyang balikat habang nakayakap pa rin sa kanya. “I’m recharging myself!” “R-recharging? P-pero kasi… nakakahiya!Huwag mom una akong yakapin! Maliligo muna ako!” sabi niya at sinusubukan akong ilayo sa kanya. Napangisi ako ng malapad at naisipan ko na naman siyang biruin. “Tapos no’n hahayaan mo ng pumasok ang charger ko sa saksakan mo?” Nanlaki ang mga mata nya kasabay ng pamumula ng kanyang mukha at tinangka akong suntukin sa mukha. “BASTOS!” Ipinaling ko lang ang leeg ko dahil inaasahan ko na iyon kaya naman hindi ito tumama sa akin at tinawanan ko siya ng malakas. Nakakatuwa talaga ang babaeng ito! Ang sarap asarin! Ahahah! Tumalikod siya sa akin dahil mukhang alam naman niyang hindi niya ako matatamaan kahit anong gawin niya pero ramdam kong naiinis na naman siya sa akin. “Hey, seriously! Magpahinga muna tayo,” sabi ko para mawala ang galit niya sabay hawak sa kanyang kamay para lingunin nya ako. Lumingon nga siya sa akin at agad ko naman siyang hinatak para halikan ang kanyang mga labi. Nanlaki ang kanyang mga sa pagkagulat ngunit hindi naman nya ako pinigilan at nang matapos kong tikman ang kanyang labi ay ngumisi akong muli sa kanya. “That’s my peace offering,” I winked which made her blush again. I chuckled softly then I patted her head, “Good job for today, Sashna!” Bahagya syang napayuko at nag-iwas ng kayang tingin, “S-salamat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD