~(AIZEN SANTOS POV) "Ma'am? bakit po pumasok kayo ngayon wala po ba kayong date ni Mr. Sandoval?" tanong ni Alex. "I don't know him." "Po?" Bumuntong hininga ako. Pinagpatuloy ko ang pagbuklat sa mga folders na nasa ibabaw ng mesa ko. "I have so many things to do. I have no time to date a stranger." "Ay, LQ?" Tinigil ko ang pagbabasa ng report nang tumunog ang cellphone ko. Although it was an unknown number, sinagot ko pa rin ang tawag dahil maaring tungkol sa business iyon. "Z-Zen? Si Tita Lou mo ito." Agad kumunot ang noo ko, "Tita... napatawag po kayo?" "Si... si Kevin kasi naaksidente. Nandito kami sa ospital ngayon." Nakaramdam agad ako ng pagkabog ng dibdib nang marinig iyon. Bakas ko sa tono nito ang pagkabahala kaya hindi ko rin maiwasang mag-alala. "I... I'll go there,