~(CHANTAL LANE SY POV) Casual dress lang ang sinuot ko at light makeup as usual. Ayoko namang maging kabogera at isipin nitong pinaghandaan ko talaga ang date na pakulo niya. Lumabas na ako ng unit ko dahil kanina pa ako mine-message ni Gabe. Akala yata nito ay tatakasan ko siya. Hindi ko nga alam kung kaninong poncio pelato nito nakuha ang number ko. Naabutan ko siyang nakasandal sa sasakyan niya. Kaya pala may bumubulong sa akin kanina na wag na wag magsusuot ng pula dahil kulay pula ang suot nitong sleeves. Sa totoo lang ay guwapo naman talaga ito. Lahat silang magkakaibigan. Hindi ko masisisi ang mga babae kung bakit nagkakanda-bali ang leeg nila kalilingon sa apat. Sila rin ang nilalapitan mismo ng mga babae. I witnessed that. Tinaasan ko ito ng kilay, "Done checking me out?" "G