C-5: Face To Face

1524 Words
Pabaling-baling ako sa aking higaan kanina pa, ang ilap ng antok sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit paulit-ulit na lang sa aking balintataw ang pagkakasalubong ng mga namin ni boss. Naisip ko baka na-engkanto na ako baka hindi lang robot ang boss namin. Baka may lahi pa itong mangkukulam! Napabalikwas ako nang bangon, heto na naman ang mga ka-praningan ko umaatake na naman. Hindi ko alam kung bakit magmula pa noong kabataan ko ay malawak na ang aking imahinasyon. Napapiksi pa ako at nagpasyang mag-zumba kahit gabi na pero hininaan ko lang. Baka marinig ng mga kapitbahay kong tenants palayasin pa ako ng may-ari kapag magsumbong sila. Gusto kong magpakapagod baka sakaling dalawin na ako nang antok may pasok pa naman ako bukas. Kinabukasan. "Mukhang matamlay ka, Miss beautiful!" Pansin ni Jake nang mag-time in ako. "Puyat lang ako kagabi, magandang umaga!" Tinatamad kong sagot at pumirma na ako sa logbook. Ngumiti naman sa akin si Bella at biglang may inabot. "Ano 'yan?" Kunot- noo kong tanong na medyo nahihiya. "Menthol bubble gum para magising ang diwa mo habang nagta-trabaho!" Sagot ni Bella. Alanganin ko iyong tanggapin pero kusa ng inilagay ni Bella sa aking palad ang bubble gum pagkatapos nitong hilahin. "Salamat," kimi kong tugon. "Okay lang, kailangan nating magdamayan!" Masayang wika ni Bella. Na-touched ako, kahit papaano ay may maituturing na akong mga kaibigan sa kumpanya kahit pa bago lang ako. Pagkatapos ng ilan pang pag-uusap namin nina Bella at Jake ay nagpaalam na din ako. Baka mamaya makita pa ako sa cctv at sabihing nakikipag- tsikahan lang ang ginagawa ko. "Uy, girl alam mo ba ang latest news?" Tanong sa akin ng kapareho kong janitress nang magpang-abot kami sa locker room. Bantulot akong tumingin sa kanya ayoko sanang sumagot kaya lang baka sabihin nito suplada ako. "Ano?" mahina kong tanong habang pinupusod ko ang aking buhok. "Dito daw sa kumpanya natulog si boss natin hindi umuwi sa bahay niya." Halos pabulong na turan ng babae. "Kanya naman ito kaya okay lang," kaswal ko namang sagot. "Nakapagtataka lang ano? May maganda siyang bahay pero bihira niyang uwian. Ano kayang meron?" Napapaisip pa ang babae. Simple akong ngumiti. "Tara na, magtrabaho na tayo!" Nakita kong napalabi ang babae pero iniwan ko na siya. Natatawa ako na napapailing at napapaisip. Kung bakit ba halos ng mga employees ng amo namin curious sa true life nito. Ano nga bang mayroon. "Ikaw, halika dito!" Biglang tawag sa akin ng lalaking naka-suit ng itim. Agad-agad naman akong lumapit at binati ko siya. Dahil sa hitsura nito, alam kong isa siyang kagalang-galang na tao. "Pakilinisan ang mini room ni Boss sa kanyang office bilisan mo!" Utos sa akin ng lalaki. Napamaang ako. Pinandilatan naman ako ng lalaki kaya napatungo ako. "Ano pang hinihintay mo?" Asik niyang sabi. Napahawak ako sa metal ng mop. "Ano?!" Inis pa nitong tanong. "H-Hindi po ako puwede sa third floor Sir, bawal po ako doon." Matapat kong sagot. "What?! Sinong may sabi?" Gulat na bulalas ng lalaki. "Iyong head po ng cleaning area," tugon ko. Narinig kong napabug nang hangin ang lalaki. Ayoko namang sabihing bawal ako kasi ako daw ay maganda. Ay ayaw ni Ma'am Irish ang maganda na umaaligid kay boss. "Wala na akong oras na magtawag ng mga kasama mo. This is urgent, magagalit iyon kapag wala agad pumunta para maglinis. Ako na ang bahala sa'yo, just go! Kapag kukuwestyunin ka ng head niyo sabihin mo pumunta sa akin maliwanag?" Bilin pa nito sa akin. Nag-angat ako ng aking mukha. "Ano po bang pangalan niyo?" "Ako ang personal assistant ni boss, call me Lenard." Maalumanay na ang boses nito. "Sige po, Sir Lenard." Sagot ko at mabilis na akong sumakay ng elevator. Pero ang dibdib ko ay panay ang kabog medyo nanginginig pa nga ang aking katawan. Bawal ako sa opisina ni boss pero heto at papunta na ako doon. Nanalangin na lamang ako na sana ay maging natuwa ang paglilinis ko sa kwarto ng aming amo. Na walang mangyayaring aberya o ano pa man. Gusto kong maging malinis ang aking record dito sa kumpanyang pinapasukan ko. Mabilis akong nakarating sa third floor ngayon ay nakatayo na ako sa mismong pintuan ng opisina ni boss. Halos mabingi ako sa kabog ng aking dibdib, nakailang lunok ako at hugot nang hininga bago ako kumatok. "Ikaw ba ang maglilinis sa room ni boss?" Mukha ng babae ang nagbukas sa pinto. Marahan akong tumango. "Bago ka? Ngayon lang kita nakita," tanong pa nito. Muli akong tumango. Tumawa naman ang babae sabay senyas na pumasok na ako. Maingat akong pumasok sa loob, nanayo pa ang aking mga balahibo dahil nanunuot ang lamig na nagmumula sa aircon. "Relax ka lang hindi kami nangangain ng tao dito. Ako nga pala si Odessa, secretary ni boss Zaijan." Nakangiting wika ng babae. Ngumiti naman ako. "Phine po ang pangalan ko," Tumango-tango si Ma'am Odessa. "Wait me here, inform ko lang si boss!" Anito. Tinanguan ko siya at agad na naglakbay ang aking mga mata sa kabuuan ng office. Napakalawak niyon, may tatlong mesa ang naroon bakante ang isa. Pagkatapos may malaking pintuan sa gitna, iyon sigurado ang opisina ni boss. Doon pumasok si Ma'am Odessa nang mapansin kong may dalawang cctv ay agad akong umayos. Baka pinagmamasdan ako ni boss at minamanmanan mahirap na. "Halika na," biglang tawag sa akin ni Ma'am Odessa. Dali- dali naman akong pumasok bitbit ang mga gamit ko sa panlinis. Pagkapasok ko, nahigit ko ang akong hininga kasi ang ganda sa loob ng opisina ni boss. Kapansin-pansin na very clean and fresh ang buong office. Nasa ayos ang lahat, alam mong masinop at napakalinis na tao ang may-ari niyon. "Narito na po ang maglilinis sa kwarto mo, boss!" Wika ni Ma'am Odessa. Nakatalikod si boss Zaijan habang nakaupo ito sa swivel chair. "You may leave," maawtoridad ang boses ni boss Zaijan. Nahigit kong muli ang aking hininga nang makalabas si Ma'am Odessa. Parang nanuyo ang aking lalamuna, kay lakas nang kabog ng dibdib ko. Alam kong namula ako nang humarap sa akin si boss Zaijan. Natitigan ko siya nang harap-harapan, ngayon ko napagtanto kung bakit ipinagbabawal na titigan siya nang matagalan. Kaya agad akong yumuko at binati siya sa piyok kong boses. "Are you scared?" Tanong nito sa baritonong boses. Bahagya akong napapikit sapagkat Ultimo boses nito ay nakakabighani sa tulad kong babae. "Look at me," utos niya bigla. Nag- angat naman ako nang aking ulo at tumingin nga sa kanya pero agad ko ding binawi iyon. Nakita kong tumayo si boss Zaijan at lumapit nang bahagya sa akin. "You're new here, I can tell." Aniya. Marahan akong tumango. "Okay. Ilang days ka na dito?" tanong pa niya. "Seven days po," Kimi kong sagot. Tumango-tango ulit si boss Zaijan. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at sa aking mukha. Nakadama naman ako nang pagka- asiwa at nerbiyos at baka tatanggalin na niya ako sa trabaho pagkatapos nito. "From now on, ikaw na ang maglilinis palaging sa mini room ko dito sa office understood?" Mariin nitong sabi. "P-Po?" Gulat na bulalas ko. Tumaas ang isang kilay ni boss Zaijan at muling tumitig sa akin. "Are you deaf?" Mabilis naman akong umiling. "Good! You may clean my room now," utos niya pagkatapos nitong tumango. "Ahm...bawal daw po kasi ako dito sa third floor boss." Matapang ko ng sagot. Muli siyang humarap sa akin pagkatapos nitong tumalikod kanina. "Who told you? You're head department?" Tanong niya sa akin sa lukot na mukha. Tumango ako mas mabuti na 'yong maaga at tapat ko ng sinabi. "Ayoko ng papalit-palit na maglilinis sa kwarto ko. Do as what I've said and I don't care about your head department rules. Tell them, it's my command!" Seryosong sabi ni Boss Zaijan. Sa kadahilanang ayokong mapagalitan ni boss ay sunod-sunod akong tumango. At mabilis na akong pumasok sa mini room nito upang linisin. Pagkatapos kong makapasok sa loob ay saka pa lang ako nakahinga nang maluwag. Feeling ko, para akong nakatakas sa loob ng bilangguan na may leon na nakabantay. "Finished?" Biglang tanong ni boss Zaijan nang dumungaw ito sa pinto. Napasigaw ako at nabitawan ko ang aking mga gloves dahil sa gulat. "Am I scary enough to frighten you?" May inis sa boses nito. "Sorry po nagulat lang ako, paumanhin po talaga boss!" Abot-abot kong paghingi nang paumanhin sa kanya. Tinitigan na naman ako ni boss kaya napatungo ako ulit. "If you're finished, you can leave. Remember to clean my room everyday starting today." Malamig nitong bilin at nawala na ito sa may pinto. Nakadama ako ng relief, nag- breath out at breath in pa ako para hamigin ang aking sarili. Pagkatapos ay inipon ko na lahat ng aking lakas saka umalis ng opisina. Dire-diretsong akong lumabas at ni hindi lumingon kay boss. Kay Ma'am Odessa na ako nagpaalam dahil mukhang lumabas si boss. Wala kasing nagsalita kaninang lumabas ako kaya alam kong wala si boss sa loob. Nang tuluyan na akong nakalabas mula sa opisina ay saka pa lamang bumalik sa normal ang t***k ng aking puso. Nanghina ako nang makasakay ako sa loob ng elevator kasabay ng pag- alburuto ng aking tiyan na nagsasabing gutom na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD