C-6: Anong mayroon?

2094 Words
Ang saya ko ngayon dahil sahod day, my first ever sahod na matino. Hindi delayed, walang aberya at wala akong naririnig na ano pa man. Hindi katulad sa dati kong pinapasukang grocery store sumasahod ka na nga may kasama pang masakit na salita. Ang gaan lang sa dibdib na mahawakan mo na ang iyong sahod na pinagpaguran mo. Iba ang feeling kahit mahirap ang trabaho ko bilang janitress sa malaking kumpanya ay sobrang okay naman sa sahod. Naalala ko sina Terra nasa bakasyon pa rin sila ni Jude. Gusto ko sana silang i-treat kaso hindi pa sila bumabalik mula sa kanilang bakasyon. Atm ang gamit namin para makuha ang sahod bongga yayamanin talaga. Parang nahawaan na kami ng kumpanya na maging pansamantalang maging mayaman sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang Atm. "Miss Dimagiba!" Biglang may tumawag sa akin. Naka-kunot noong humarap ako sa taong tumawag sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang personal assistant ni boss Zaijan. "Sir Lenard!"bulalas ko. Nasa harapan pa ako ng atm machine hindi pa ako nakakaalis. "Nakuha mo na ang sahod mo?" tanong ni Sir Lenard. Bahagya akong ngumiti at tumango. Ngumiti din si Sir Lenard sabay saksak sa hawak nitong atm. Tumalikod ako baka kasi makita ko ang pin number ni Sir Lenard sabihan pa akong pakialamera. Saka lang ako muling humarap kay Sir Lenard nang marinig ko na ang tunoh ng atm indikasyon na tapos na itong mag-widraw. "Siya nga pala, masakit ang ulo ni boss ngayon. Paki -ulit daw linisan ang kanyang office bago ka msg time out." Baling sa akin ni Sir Lenard. Napaisip ako, kapag maglilinis pa ako sa office ni boss Zaijan parang overtime na ako no'n. "Mababayaran naman ang overtime mo niyan don't worry." Sabi ni Sir Lenard na parang nabasa nito ang nasa isipan ko. "S-Sige po Sir," nautal kong sagot. "Teka, may date ka ba ngayon? Sabihan mo muna ang boyfriend mo na maghintay siya ng ilang oras!" Turan ni Sir Lenard sabay tapik sa balikat ko at umalis na. Magsasalita pa lang sana ako pero nakalayo na ito. Gusto ko lang naman sanang sabihing wala pa akong boyfriend. Pero medyo nainis ako at napaisip nang maalala kong muli akong maglilinis sa office ni boss Zaijan. Ano bang klaseng linis ang gusto ng boss naming iyon? Sobra naman yata nitong napakalinis na tao kung ganoon? Wala ng good bacteria na makukuha niya sa sobrang kalinisan nito. Pero wala akong magawa, kahit wala pa akong planong mag-overtime ay no choice ako ngayong araw. Pagdating ko sa third floor wala na ang dalawang sekretarya ni boss Zaijan. Tanging si Sir Lenard na lang ang naroon at may inaayos sa mga papeles na hawak nito. Kahit papaano ay napangiti ako, may kasama pa pala akong overtime ngayon. "Oh, Miss Dimagiba nariyan ka na pala pumasok ka na doon." Sabi sa akin ni Sir Lenard nang maramdaman niya ang presensiya ko. Kimi naman akong tumango at kumatok sa pinto ng main office nu boss Zaijan. "Come in," narinig kong sabi nito. Muli na namang kumabog ang aking dibdib heto na naman ang tarantang effect na aking nararamdaman. "Maglilinis po daw ako ulit boss?" Mahina kong sabi pero nakatungo ako. Hindi sumagot si boss Zaijan kaya napaangat ako ng aking mukha. Nahuli kong nakatitig siya sa akin ng matiim kaya dali- dali na naman akong tumungo. "Clean the bookshelves," bigla niyang utos. "Alin pong bookshelves?" tanong ko naman. "Both bookshelves," malamig niyang sagot sa akin. Tumango ako at mabilis kong tinungo ang bookshelves nito sa loob ng mini room. Napasimangot pa ako nang wala akong nakitang dumi sa bookshelves. Inayos konna din ang mga libro. Isinunod ko ang bookshelves sa mismong office ni boss Zaijan malapit sa may bintana nito. Kagaya nang una, wala akong nakuhang dumi sa bookshelves. Kaya inayos ko na lamang ang mga libro kagaya ng ginawa ko sa loob ng kwarto. "Tapos na po boss, wala na po ba kayong ipag-uutos?" Tanong ko pagkatapos kong paulit-ulit na lumunok. Nakapikit kasi si boss Zaijan na nakatingala sa may swivel chair nito. May salonpas sa magkabilang sentido kaya naalala ko ang sinabi ni Sir Lenard na masakit ang ulo ng boss namin. Lihim akong napaismid, sabi nila para daw itong robot bakit ngayon nakakaramdam siya ng sakit? Nang alam kong magmumulat na ito ay mabilis akong napatungo mahirap na bawal pa namang mahuling tinitingnan mo siya. "What's your perfume?" biglang tanong ni boss Zaijan. Nawindang ako sa tanong niya sa akin kaya nag- angat ako ng aking mukha para matingnan siya. "P-Po?!" Utal kong bulalas. "Are you deaf again?" "Ahm.. hindi po! Nagulat lang po ako sa tanong niyo," depensa ko naman agad. "Answer my question!" Pitik niya ulit. Napaigtad pa ako dahil sa gulat na naman at matinding nerbiyos sa katawan. "Hindi po ako gumagamit ng perfume," matapat kong sagot. "Fabric conditioner?" Napangiwi naman ako. "Wala din po," Narinig ko ang pagbuntonghininga ni boss Zaijan. "Sabong panlaba?" Mas lalo akong nakadama ng nerbiyos bakit tinatanong sa akin ni boss ang mga iyon. "Surf powder po kulay violet." Sagot ko na pigil-pigil ang aking hininga. Hindi umimik si boss Zaijan bagkus ay muli itong pumikit. "Alam mong mag- massage ng may sakit sa ulo?" Tanong na naman ni boss sa akin. "Konti po pero madumi ang kamay ko," nag- aalangan kong sagot. "Wash your hands and massage me afterwards," utos ni boss. Dahil sa ayokong matanggal on the spot lahat ng iuutos ni boss Zaijan ay aking gagawin. Kaya mabilis akong naghugas ng aking mga kamay sa bathroom niya doon. Paulit-ulit ko din itong nilagyan ng alcohol saka inamoy-amoy. Sinigurado kong walang amoy na hindi maganda ang aking mga kamay at hindi din magaspang ang mga iyon. Pagkatapos ay binalikan ko si boss na ngayon ay nakamulat na naman. "Ang tagal mo," Sabi niya nang papalapit na ako. "Sorry po!" Hinging paumanhin ko naman at tinanggal ko na ang salonpas nito sa sentido. Walang imik niyang inabot sa akin ang hawak nitong oil. Marahan ko namang kinuha iyon at aking binuksan saka ako naglagay sa aking palad. Medyo nanginig pa ang aking mga kamay na kinapa ang sentido ni boss sa magkabilaan. "Why you're shaking? I'm not gonna eat you here!" Biglang sabi ni boss. Medyo napakislot pa ako pero agad din akong kumalma. Hindi daw niya ako kakainin dito eh saan naman niya kaya ako kakainin mamaya? Lihim kong pinagalitan ang aking sarili sa kapilyuhang naisip nito. "Ganito lang po talaga ang aking mga kamay," palusot ko na lamang. Hindi naman na umimik pa si boss Zaijan. Ilang minuto din ko siguro siyang minasahe sa sentido nito si boss tumigil lang nang alam kong okay na. "Tapos na po wala na po ba kayong iuutos boss?" Tinapangan kong tanong pagkatapos. "Just stay here a little bit longer, you may have a sit." Sagot ni boss pero nakapikit ito. Nalingunan ko ang sofa ni boss, dahan- dahan akong umupo doon pagkatapos kong ipagilid ang mga ginamit kong panlinis. Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan si boss na nakapikit habang nakasandal sa swivel chair nito. Tama nga ang lahat talagang nakaka- bighani ang taglay na kaguwapuhan ni boss. No wonder ang daming nagkakandarapa sa kanya ngunit bakit wala pa itong asawa? Naalala ko ang sinabi ni Jude na pihikan ito sa babae aba hanggang kailan kaya ito magiging maarte? Kapag uugod-ugod na siya? Napailing-iling ako at napapalatak pero sa isip-isip ko lang naman takot akong matanggal kaya sinarili ko na lamang ang mga katanungang naisip ko. Biglang bumukas ang pinto ang iniluwa doon si Sir Lenard. "Boss hindi pa ba tayo uuwi?" tanong nito kay boss Zaijan. Marahang nagmulat si boss at tumingin kay Sir Lenard. "What time is it?" tanong din nito kay Sir Lenard. "It's already seven boss in the evening!" Mabilis na sagot ni Sir Lenard. Nagulantang ako, seven na pala! Tiyak sobra ng trapik sa daan at sobra na ding punuan ang mga jeep at bus. Nakagat ko ang aking labi, mahihirapan na akong sumakay ngayon pauwi. Nakakatiyak akong baka abutan ako ng hatinggabi sa biyahe ko bago ako makarating sa inuupahan ko. Nakita kong biglang tumayo si boss Zaijan pero medyo sleepy na ang kilos nito. "Mukhang inaantok na kayo boss himala yata!" Pansin naman ni Sir Lenard. Tumingin sa akin si boss Zaijan kaya napatayo ako nang hindi ko namamalayan. "She's good on massaging I like it." Tugon ni boss. Hindi ko napigilan ang matuwa at napangiti ako nang bongga. "Salamat po at nagustuhan niyo," masigla kong sagot. Hindi sumagot si boss Zaijan bagkus ay naglakad na ito palabas ng opisina. Mabilis ko namang kinuha ang mga gamit panlinis at sumunod sa kanila ni Sir Lenard. Magkakasabay kaming lumulan sa elevator at nanatili lang akong nakayuko hanggang nakarating kami sa ground floor. Nagpaalam naman ako kina boss Zaijan at nauna na akong lumabas mula sa loob ng elevator. Dadalhin ko pa kasi ang mga gamit panlinis sa storage room malapit sa aming mga locker room. Nagbihis ulit ako ng aking damit panlabas nang maalis ko na ang aking uniform. Pagkatapos ay lakad takbo na akong nagtungo sa may logbook at nag- time out na akl doon with signature. Nakahinga ako nang maluwag pagkalabas ko ng building. Nag- abang ako ng taxi tutal naman ay sahod ko saka mas mabilis ako konti kung sasakay nga ako. Kaysa naman sa jeep at bus saka na lang ulit ako doon sasakay kapag hindi na ako overtime. "Miss Dimagiba sasabay ka na daw sa amin sabi ni boss. Kanina ka pa namin hinihintay," boses ni Sir Lenard ang nanggulat na naman sa akin. "H-Ho?! Akala ko po Sir nakaalis na kayo!". Gulat kong sagot. Tumawa naman si Sir Lenard. "Wala na tayo sa loob ng building kay Lenard na lang. Saka, huwag ka ng tumanggi bihira lang si boss na magsabay ng kanyang employees. Grab mo na habang maganda ang kanyang mood baka magbago kapag tinanggihan mo matanggal pa tayo pareho!" Paliwanag nito sa akin. Agad akong naalarma, ayokong matanggal sa trahabo! At mas lalong ayokong may madamay na tao ng dahil sa akin. "Ano?" Untag sa akin ni Sir Lenard. "Eh.. kasi nakakahiya po." Nag- aalangan ko pa ding sabi. "Sige na para makauwi na tayong lahat ayaw pa naman niyang naghihintay siya nang matagal." Sabi pa ni Sir Lenard. Napapikit ako ewan ko kung ano ang nag- udyok sa akin upang pumayag na makisakay sa sasakyan ni boss Zaijan. Natagpuan ko na lang ang sarili kong magkatabi na kami ni boss Zaijan sa middleseat at sa harapan naman naroon si Sir Lenard. Nahagip nang aking mga mata ang pagkindat ni Sir Lenard sa akin. Napabaling naman ako kay boss Zaijan na nakapikit at hindi ko alam kung tulog na. "Anong address ng tirahan mo?" Tanong sa akin ni Sir Lenard. Tumikhim muna ako bago ko sinabi ang address sa nirerentahan kong bahay. Tumango-tango naman sina Sir Lenard at ang driver ni boss Zaijan. Noon ko lang napansin sa backseat na may tatlong lalaking tahimik na naka-suit. Alam kong mga bodyguards iyon ni boss Zaijan. Malaki kasi ang sasakyan no boss napansin ko at ang gara ng loob. Dahil sa likot ng aking isipan at mga mata ay hindi ko namalayang nasa harapan na pala kami ng rented house na kinaroroonan ko. "Maraming salamat po," madamdamin kong sabi nang mabuksan na nila ang pinto sa gawi ko. Binalingan ko muna si boss Zaijan subalit wala itong kakilos-kilos na nakapikit pa rin. Kaya si Sir Lenard na lang ang tiningnan ko at nginitian. "Pakisabi kay boss maraming salamat," Sabi ko sa pag- aakalang tulog na ito. "Hindi yan tulog tamad lang magmulat. Huwag kang mag- aalala narinig ka niya!" Natatawang turan ni Sir Lenard. Itinago ko naman ang aking pagngiti at tuluyan na akong bumaba ng sasakyan. Short 3rd Pov "Boss heto ang tirahan ni Miss Dimagiba," Sabi naman ni Lenard kay Zaijan nang paalis na ang sasakyan sa lugar ng tirahan ni Phine. Subalit hindi sumagot si Zaijan at hindi din ito nagmulat. Nagkatinginan silang lahat na naroon sa loob ng sasakyan. Sinenyasan ni Lenard ang tatlong bodyguard na yugyugin si Zaijan. Niyugyog naman ng tatlo ang kanilang amo upang tiyaking tulog na nga ito. "Tulog na talaga," sabi ng isa. Napanganga naman si Lenard napakurap-kurap pa nga ito. Kinurot nito ang sariling braso sa pag- aakalang nananginip lamang siya. Subalit totoo, tulog na si Zaijan at first time iyong nangyari. Ano nga bang mayroon kay Zaijan na hindi ito masyadong nakakatulog? Si Phine nga ba ang dahilan kung bakit mabilis nakatulog si Zaijan sa araw na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD