Kabanata 144 BIGLA namang may nag-doorbell. Hindi siyabumangon at tumayo agad. Hinayaan niya lamang na mag-doorbell nang nag-doorbell kung sinuman ang nasa labas ng kanyang condo unit. Tumigil ang pagkatok sa pinto. Sunod niyang narinig ay ang pang-ring ng kanyang cellphone. Ilang beses din iyon na nag-ring hanggang sa maisipan niya itong damputin at tingnan kung sino ang kanyang caller. Upon looking at the screen. Agad na kumunot ang kanyang noo. Si Jigs lang pala ang tumatawag sa kanya. Napaismid siya at hindi niya na lamang ito pinansin. Itinabi niya ang kanyang cellphone at muling nagmukmok. SEVEN in the evening nang magising siya. Siguro ay dahil sa pagod niya sa pag-iyak kanina kaya hindi niya na namalayang nakatulog na pala siya. Napaunat siya ng kanyang mga braso. Muling n