Kabanata 89 Pagkatapos ng ilang minuto nilang halikan ay kusan rin namang kumalas si Laurenzo sa kanya. "Lucia, tell me, what we did last night? Did I hurt you?" Umiling naman siya. "Tell me everything what happened last night after I passed out Lucia," sumamo nito sa kanya. "Pagkatapos niyon nang magkamalay ka, tinawagan mo si Jefferson. Nagpasundo tayo. Tapos niyon umuwi na tayo." "Jefferson told me we separated our ways, why?" Nakagat naman niya ang kanyang ibabang labi. Ayaw niyang magsinungaling basta si Laurenzo na ang kanyang kaharap. "Lumabas kami ni Merna, uminom kami ng konti, tapos sinundo mo ako. Umuwi tayo sa unit ko, medyo nag-away tayo tapos nakatulog na ako that time. Nang magising ako, nasa kusina ka lang. Ibinili mo ako ng pagkain, tapos niyon natulog na tayo ul