Kabanata 88 Tinapos niya na lamang ang pagkain niya. Pagkatapos niyon ay agad din naman siyang nagligpit. "Are you going to sleep now?" biglang tanong ni Renzo sa kanya. Tumango lamang siya. Pagkatapos niyang maglipit sa ibang mga pagkain ay agad din naman siyang bumalik sa kanyang kuwarto pero agad siyang bumalik sa pinto para sumilip sa labas. Tanaw niya pa rin si Renzo sa kusina at busy pa rin ito sa cellphone nito. Marahas siyang napabuga ng hangin. Wala na nga yatang chance na mabago ang ganitong routine nilang dalawa. Umupo na siya sa kama at nahiga nang bigla namang may kumatok sa pinto. Agad siyang tumayo at lumapit dito para buksan ang pinto. "Can we share a bed? The air condition suddenly stop from working." "Share, ha? Okay," sagot naman niya. Kumunot naman ang noo ni Ren